thirty-three

820 24 0
                                    

"N-nakakaalala ka na?" gulat na tanong ni Wendy, maging si Joy at Yeri sa tabi nya ay nagulat din.

Unti-unti akong tumango, "g-gusto kong makita si Irene."

"Seulgi!"
napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Krystal. Agad nya akong niyakap kaya naman niyakap ko din sya. Nakauwi na pala sya.

"S-seulgi! Anong nangyari sayo? Bakit bigla-bigla kang sinumpong kanina?" she asked me.

"N-nakakaalala na ako," Mahinang sabi ko habang tulala pa din. Madaming tanong sa isipan ko. Katulad nalang din kung ano ang magiging reaksyon ni Irene kung malaman nyang nakakaalala nya ako. At kung...nasaan na si Sehun.

"Nawalan ka ba ng alala?" tanong ni Krystal sabay tingin kela Yeri. Tumango naman sila Yeri sa kanya.

"B-bumalik na ako dito, hindi pa ako nagpapakita kay Irene unnie," yumuko sya. "H-hindi ko pa sya kayang makita, sure ako na galit sya sa akin."

I smiled at her, "napatawad nya ako. Ikaw pa kaya na kapatid nya?" I sighed, "gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Na wala talaga tayong relasyon ngunit natatakot ako...si Sehun, baka bumalik sya. Baka pag nalaman nyang magkasama ulit kami ni Irene, baka pagbantaan na naman nya ako."

"Si Sehun?" kumunot ang noo ni Krystal, "hindi mo ba alam na isang taon na sya sa kulungan? Nag-drugs sya kaya naman nangrape sya at nakasuhan sya." sabi naman ni Krystal. Nanlaki ang mga mata ko, seryoso?

Nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin...

"Pwedeng pwede na maging kayo ni unnie."

fuck it // seulreneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt