Chapter 10 - Babe

47.4K 1.6K 172
                                    

Surprisingly, magaan ang pakiramdam ko pagpasok ko sa school. Akala ko manghihina ako sa ginawa ni Sage pero mukhang energized pa nga ko. Di pa rin ako makapaniwala na si Sage ang nagpalit ng pang tulog ko. Maisip ko pa lang yun, kulay kamatis na buong mukha ko.


"Hi, Sage. Are you free this weekend?" tanong ni classmate number one pagpasok ni Sage sa classroom.

"Oo nga, Sage. Invite ka sana namin sa resort ng daddy ko. It is one of the best island resorts in the country. You will love it there," malanding sagot ni classmate number two.


Iniwas ko ang tingin ko kay Sage at nagpanggap na may sinusulat sa notebook. Sa totoo lang, di ko pa rin alam kung vampire or kung anong klaseng creature si Sage Elizalde. Pero ang alam ko, he is dangerous at kailangan ko siyang iwasan.


"I am sorry, girls. I have a date with my girlfriend this weekend," maikli niyang sagot.


Pota tong si Sage, may girlfriend pala, tapos kakagatin ako sa leeg!? Bakit hindi yung girlfriend niya ang gawin niyang snacks, hindi ako!


"Good morning, babe. Tabi tayo ah?" sabi ni Sage sa akin sabay halik sa pisngi ko.


Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ng classmates ko. Kahit ako, kung may mirror ako sa harapan, makikita ko rin ang gulat sa mukha ko.


Babe? Ano na namang trip nitong creature na to?


"Reichel, is your girlfriend?" tanong ni classmate number one kay Sage. Obvious na gulat at galit ang nasa mukha niya.

"You just met her yesterday, girlfriend mo na siya? Easy to get pala President Reichel," iritableng sabi ni classmate number two.

"Girls, girls. I know her since high school. We have been together for almost two years now," nakangiting sagot ni Sage.


"Two years? OMG! Ang swerte ni Rei!" sigaw ng isang classmate.

"Shit, true love! Parang beauty and the beast!" comment ng isa pang classmate.

"Kainggit naman! Kaya pala mataas ang grades ni Rei, inspired sa poging boyfriend."


Di ko alam kung matutuwa ako sa mga pinagsasabi nila.

Beauty and the beast? Ako ba yung beast? Pota eh naninipsip ng dugo tong mokong na to eh!


Alam ko nantritrip lang si Sage kaya hindi ko siya pinatulan. Pagdating ng uwian, mabilis akong pumunta sa library para magresearch ng kahit anong related kay Sage at sa pagkatao niya.


Vampire ba siya na nakakalakad sa umaga? Pero bakit di effective ang powers niya para ma-erase ang memory ko about sa pagkagat niya sa leeg ko?


"I doubt na may mahahanap kang sagot sa tanong mo dyan," sabi ni Sage na biglang lumitaw sa tabi ko.

"Anak ng kike ka! Ano ba! Bakit ba bigla bigla ka sumusulpot?" mahina kong sabi sa kanya.

"Ano ba hinahanap mo? Vampire? Creatures of the night? Come on, Rei. You can just ask me. I am your boyfriend," sabi niya sabay flash ng kanyang nakakalokong ngiti.

"You are enjoying this noh? Natutuwa ka sa suffering ko noh?" sabay kurot ko sa braso niya.

"Hey, stop. Masakit yung manipis na kurot. May feelings pa din naman ako. And just so you know, I already told the class that you are my girl. You should feel proud about it."

"Proud mo mukha mo! Break na tayo ha?" sabi ko habang sabay ligpit ng mga books. Di ko na siya hinintay sumagot at lumabas na ako ng library.

"Di mo ko matatakasan, Rei. I know you want answers about those disturbing visions. And you also want to know what kind of being I am. I can answer everything for you," sabi niya habang sinasabayan ako maglakad.

"At anong kapalit?"

"You know what I want," sabi ni Sage sabay hila sa mga kamay ko papalapit sa kanya.

"Hindi ako free food, Sage! At hindi mo ko pag-aari! Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo," mahina kong sabi sa kanya na punong puno ng feelings.


Di kita type, Rei. Wag masyado mag-assume. 


Naalala ko na naman ang sinabi niya at kumukulo ang dugo everytime na maaalala ko na hindi niya ko type.

"Rei, lahat ng gusto ko, nakukuha ko," sabi niya sabay yakap sa akin. Yung yakap na tender na parang ayaw niya ko mawala sa buhay niya.

"Are you messing with me? Alam mo na nasa harapan tayo ng entrance ng library? Tignan mo nga kung ilang estudyante na ang nakatingin sa atin," bulong ko sa kanya.

"Papakawalan lang kita kapag pumayag ka na maging girlfriend ko," sabi niya habang lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Girlfriend? Talaga lang ah? Baka sabihin mo, energy drink mo!" mahina at pagalit kong sabi sa kanya.

"Is that a yes?"

"May choice ba ko? Eh para kang anaconda kung makapulupot sa akin!"

"That's my girl. Halika na, ipapakilala ko sayo si Isagani," sabi ni Sage saka lang bumitaw sa akin.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Kde žijí příběhy. Začni objevovat