Chapter 44 - Ex Girlfriends

32.6K 995 31
                                    

Palaisipan pa din sa akin kung bakit tinanggihan ni Sage ang aking blood.

Ayaw na ba niya sa akin? May bago na ba siya walking blood bag? Or dahil sa spicy chicken ang kinain ko?

It has been more than twenty five years since nagwake-up si Sage, it is possible na nagkaroon siya ng mga strings of affairs during that time. Hindi malayong mangyari dahil si Sage ay magandang lalaki, pinoy na pinoy at oozing ang pagka gorgeous. Kung di dahil sa blood ko, I doubt na mapapansin niya ko.

Just the thought na may ibang naging girlfriend si Sage ay parang binibiyak ang puso ko. Oo, nagseselos ako and I can't do anything about it. Hindi naman kami ni Sage sa totoong buhay. 

Parasitism ang relationship namin dahil siya lang ang nagbebenefit. Samantalang ako, eto nahuhulog lang unti unti sa kanya.

Bago pa ko makapag isip ng kung ano ano, dinalaw na ko ng antok. Maagap pa lang at ginising na ko ni Sage. Sumunod lang ako sa kanya na parang zombie na lutang at kulang sa tulog.


"Naligo ka ba? May panis na laway ka pa ata?" tanong ni Sage pagsakay namin sa bus.

"Naligo ako, nakatulog nga ako sa bathroom eh!" sagot ko sa kanya habang nakapikit.

"Antok ka ba?" tanong niya nang makaupo kami sa bus.

"Hinde! Hindi ako inaantok! Gusto ko lang matulog ng tatlong centuries!" sagot ko sa kanya habang papikit pikit. 


Grabe ang antok ko dahil di ako naka-inom ng kape. Gabi na din ako natulog dahil nalibang na naman ako sa pagbabasa ng libro.

Wala man lang pasabi, biglang hinalikan ni Sage ang pisngi. Quick kiss sa cheeks pero enough para magising ang buong diwa at katawan ko.


"Antok pa ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Ganyan ka ba mang gising ng mga girlfriends mo?" bwiset kong tanong sa kanya.

"Bakit mo naitanong? Gusto mo malaman?"

"Wala ako pakialam kung ilan na ang naging girlfriends mo simula nang ginising ka ni Sir Rusty. I am sure you have lost counting."

"I memorize all of their names and their faces. That is one disadvantages of eidetic memory. Kahit may gusto ka kalimutan, fresh pa din sa memory ang mga details," sabi niya sabay sandal sa upuan na para bang nag-iisip ng malalim.

"Di ba sabi ko wala ko pakialam? Nakikinig ka ba?"

"I remembered all my girlfriends. I have some in London and in the US. They all look gorgeous at hindi ko na kailangan ng vampire compulsion para paibigin sila. Hinayaan lang ako ni Rusty. Past time ko noon na mambabae but never ako nag-attempt na inumin ang dugo nila," patuloy ni Sage.

"Hindi ko gusto marinig ang kwento mo sa mga ex-girlfriends mo, Sage!"

"May ex-girlfriend ako na Victoria Secret lingerie model, may isa naman beauty queen, meron din isang may royal blood. Hindi ko lubos maisip na ang mga girls sa generation na ito are too wild. Some are even begging me proactively to be their one night stand. Some even wants to pay me to spend the night with them."


Ay kaloka! Derecho kwento!


"OMG Sage, too much information. Hindi ako interesado sa sex life mo for the last twenty five years!"

"Eh kung ganun ka din sana, eh di sana nagkakasundo tayo. Kaso puro ka kaartehan at kadramahan," natatawa niyang sabi.

"Wala ako balak maging fuck body mo noh? Maghanap ka ng iba, I don't fucking care!" sabay talikod ko sa kanya at harap sa bintana.

Tinawanan niya lang ako as if alam niya na nagsisinungaling lang ako. Of course, I care about him and I care kung magkakaroon siya ng bagong girlfriend.

Dahil na din sa mabilis namin na byahe, nakatulog na naman ako. Nagising na lang ako nang maliwanag na at nasa port na kami.


"Hoy gising. Hanggang dito lang tayo ihahatid ng bus. Kailangan mo daw lumangoy papunta sa cove," nakakalokong sabi ni Sage sabay pitik sa ilong ko.

"Hoy ka din. Pag naisipan ko umuwi na lang, uuwi talaga ko kahit mag-isa lang ako. Iiwanan kita dito!" galit kong sabi dahil ginising niya ko bigla, ang sarap pa naman ng tulog ko.

"Babe naman, di ka na mabiro. Tara na, sumakay na tayo ng bangka at nang maihagis na kita sa dagat."


Maraming​ mga estudyante ang sumama sa field trip sa beach. Yung mga lalake, katulad siguro ng purpose ni Sage, para makakita ng mga sexy na chicks. Yung mga babae naman, para siguro ipakita ang nag gagandahan nilang katawan.


"Marunong ka ba lumangoy?" tanong ni Sage nung nakasakay na kami sa bangka. 

Makipot lang ang bangka at apat lang kami na estudyante na nakasakay saka si Manong boat driver.

"Sa probinsya ko lumaki nung bata pa ko, sa tabing dagat. Sanay ako lumangoy at sumisid. So kung ano man ang plans mo para lunurin ako, I'm warning you, I'm a fair swimmer," sabi ko sabay lagay ng shades sa mata.

"Pag nilunod kita, mawawalan ako ng snacks. Kaya di ko gagawin yun," sabi ni Sage sabay yakap sa akin. Walang pakialam kahit may dalawa pang estudyante sa likod namin.

"Refreshment drinks lang ba tingin mo sa akin?"

"Refreshment drinks, snacks, dessert, food of the day, mga ganun."

"Tsk! User!"

"And I will use and consume what is rightfully mine," bulong sa akin ni Sage na hindi pa rin ako pinapakawalan.

"Wow, pag aari mo na ko?" mahina kong sagot sa kanya.

"Sort of. Any complaints?"

"Next time pag nakahanap ako ng totoong boyfriend, sasabihin ko talaga sa mukha mo - In Your Face!" mahina at pagalit na sabi ko sa kanya.

"Can't wait. Yan ay kung may magkakamali na lalake na liligawan ka," sabi niya sabay halik sa leeg ko.

Hinampas ko lang yung braso niya na nakapulupot sa akin dahil nakakahiya kay Manong boat driver at dun sa dalawang students na kasama namin. 

Napaka aga pa pero sinisimulan na nitong gago na to na sirain ang araw ko. Peste!

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now