Chapter 54 - Mine

30.6K 1K 178
                                    

Ilan minuto na nakaalis si Matt at feeling ko, ilang minuto na din ako nakatulala sa sinabi niya.


Matthias loves me? Dapat matuwa ako kasi crush ko siya pero bakit parang hindi ako masaya?


"Ilang oras mo balak tumanga diyan?" ang tinig lang ni Sage ang nakapag pagising sa akin.

"Mga five days. Kaya mo maghintay?" masungit na sabi ko sa kanya.

"Umuwi na tayo o gusto mo buhatin pa kita pauwi?"

"Mauna ka na umuwi Sage. May araw pa naman. Don't worry. Nasa bahay na ko pag nagdilim..."


Rarason pa sana ko pero biglang binuhat ako ni Sage sa balikat niya effortlessly na parang isang sakong bigas.


"Hoy kalabaw ka! Ano ba! Ibaba mo ko!"

"Saan mo gusto umupo? Sa tabi ko o dun ka sa loob ng trunk?" tanong niya habang buhat pa rin ako papunta sa kotse niya.

"Baba mo ko!" sigaw ko habang nagkakakawag. I don't care kahit mahulog ako. Or I don't care dahil hindi naman ako hahayaan ni Sage na mahulog.

"Umayos ka baka mahulog ka."

"Ano ba sabi ko? Di ba sabi ko ibaba mo ko! Hindi nga ko sasabay sayo pag-uwi!"


Mabilis ako binaba ni Sage nang makarating kami sa tapat ng kotse niya ay binuksan ang passenger seat.


"Get in!" galit niyang sabi.

"Eh bakit ka galit? First day mo ba?" naiirita kong tanong pagkapasok ko sa loob ng kotse niya.

"Ano yung sinasabi ni Matthias na It Is You daw."

"Wala ka na dun. At teka, kanina ka pa nakikinig sa usapan namin?"

"Di ko narinig pinag-uusapan niyo. Kaya ko nga tinatanong eh. At oo, kanina pa ko andun at nag aabang kung kailan ka matatauhan sa pagkatulala mo," galit niyang sagot habang nagdridrive ng mabilis.

"Again. Wala ka na dun."

"Hindi mo talaga sasabihin sa akin?"

"Hindi talaga! No plans kahit manigas ka pa!"

"Kahit sabihin ko sayo na nagpabili ako kay Rusty ng Ben and Jerry's ice cream?"

"Hindi mo ko makukuha sa suhol mo! Wait, Ben and Jerry's ice cream talaga? Ano flavor?

"Chocolate Fudge Brownie and Chocolate Chip Cookie Dough. Papatikmin lang kita pag sinabi mo yung pinaguusapan niyo ni Matt," sabi niya habang nangiti ng nakakaloko.

"Ok fine! Sabi ni Matt, isang beses pa lang daw siya naiinlove. A year ago daw. Love at first daw. Yan din reason bakit siya bumalik dito sa school."

"And it's you? Ikaw ba ang first love niya?" taas kilay na tanong ni Sage sa akin.

"Oo parang ganun na nga. Yung ice cream wag mo kakalimutan. Deal is a deal."

"PG ka talaga noh?"

"At least, di ako tulad mo tsismoso. Hoy Sage, minsan lang ako magkaka love life for real. Wag ka na kumontra."

"Di pa ba ko sapat sayo?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Sapat mo mukha mo! Di mo nga ko type di ba? Wala nga effect kahit maghubad ako sa harap mo di ba?"

"Bakit ba napaka bitter mo sa sinabi ko sayo na hindi kita type? Paulit ulit ka."

"Bitter talaga ko! At least, si Matt gentleman. Hindi tulad mo, puro okray natatanggap ko. Alam mo, pag natapos ko na yung responsibilidad ko sayo about deactivating your curse, maghiwalay na tayo ng landas."

"Hiwalay ng landas?"

"Parrot ka? Oo Sage, maghiwalay tayo ng landas! Mawawala din naman ang blood thirst mo sakin. Magiging tao ka na. Wala ng obligation ang bloodline namin sayo."

"Ang Punong Babaylan ang nangangalaga sa mga Alagad ni Bathala. If I lose my vampiric curse, babalik ako sa pagiging Alagad ni Bathala. And it is your fucking responsibility to take care of my needs!"

"Asa ka! Magpapabuntis na lang ako kay Matt. Ask mo yung anak ko na maging taga pag-alaga mo!"

"What the fuck did you say?" galit na tanong niya nang tumigil kami sa tapat ng bahay niya.

"You heard it right? Magpapabuntis ako kay Matt! Gusto mo pa ng proof? Sige vivideo ko at isesend ko sayo!" sigaw ko sa kanya sabay labas sa kotse.


Pero bago ko pumasok sa gate, hinablot ni Sage ang braso ko papalapit sa kanya at biglang hinalikan ang mga labi ko...


Yung kiss na may galit at para bang pinaparusahan ako... 


Alam ko masyado OA yung sinabi ko sa kanya about sa magpapabuntis pero I am hurting. At ang alam ko lang gawin ay tapakan ang ego ni Sage. Kung alam ko lang na hahalikan ako ni Sage pag napikon siya, dapat araw araw ko na lang siya pinipikon...


Natagpuan ko na lang ang mga labi ko na gumaganti ng halik sa kanya. 


Teka di ba galit ako? Di ba nagtatampo ko? Bakit para kong tanga na naman na natutunaw sa mga halik niya?

Fuck this vampire! Kahit galit na galit na ko sa kanya, he can melt me in seconds. Ako na naman ang talo. Ako na naman ang kawawa huhuhu.


Pero bago ko makapag isip kung anong emosyon ang gumugulo sa akin, pinakawalan niya ang mga labi ko...


"Akin ka lang, Rei. Akin ka lang!" galit niyang sabi sabay pasok sa loob ng mansion nila. Naiwan lang ako sa labas ng gate na tumutulo ang luha.


Oo, tama ka Sage. Sayo lang ako. Sayo lang ang puso ko...

Kahit anong gawin ko, sayo pa din ako bababalik. Kahit mag move on ako, I am sure isang pitik mo lang, babalik ako sayo...


I am so stupid na mainlove sa isang prinsipe... 

He's out of reach and he can never be mine... 

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now