Chapter 18 - Gatorade

39.7K 1.3K 42
                                    

Ganun na nga ang nangyari. Parang aso si Sage​ na susunod sunod sa akin kung saan ako magpunta. He thinks na there's something special sa blood ko.

"Ano ba pinakain mo kay Sage? Bakit ka niya pinatulan?" sabi ni classmate number one nang lumabas si Sage sa room para kausapin ang principal.

"Ginayuma mo ba? Umamin ka mangkukulam ka?" duro sa akin ni classmate number two.

"Girls girls. Kung type niyo si Sage, bakit di niyo siya lapitan at mag confess ang feelings niyo. Mas mayaman, mas maganda, mas sosyal kayo sakin di ba? Eh di akitin niyo siya. I don't care kung maghubad pa kayo sa harap niya. Kung maattract siya sa inyo, gora, sa inyo na siya," sabi ko sabay alis ng classroom.

Simula nang kumalat sa campus na boyfriend ko si Sage, madami na babae na nagagalit sa akin. Di naman ako naiinis kasi kahit papaano attracted din ako kay Sage. Sobrang kinikilig pa nga ko pag sweet siya, pero alam ko naman na yung dugo ko lang ang habol niya.

"Hi babe," biglang sabi ni Sage sabay yakap sa likod ko habang naglalakad ako papunta sa swimming pool area.

"Ay kike mo!"

"Wala ako nun. Baka ikaw meron," sabay halik sa leeg ko. Madalas ganyan si Sage. Di ko alam kung gusto niya ko mahalin or mahal lang niya ang dugo ko.

"Nauuhaw ka na naman ba? Hindi ako Gatorade na thirst quencher," sabi ko sabay upo sa bench.

"Babe, grabe ka naman. Di ba pwedeng nilalambing ko lang girlfriend ko?"

"Tigilan mo nga yang kaka girlfriend mo. Alam mo naman na nagpapanggap lang tayo."

"Ha? Anong nagpapanggap? Girlfriend na kita di ba? Pumayag ka na di ba nung nasa library tayo di ba?" naguguluhan niyang tanong at tumabi sa akin sa bench.

"Hay nako. Ewan ko sayo! Eto na, para matigil ka na. Alam ko naman na baliw na baliw ka sa dugo," sabi ko sabay bigay sa kanya ng kamay ko.

Tinignan lang ako ni Sage para bang humihingi ng permission. Nagsmile lang ako sa kanya para malaman niya na di ako napipilitan. Saka niya lang binaon ang mga fangs niya sa pulso ko.

Somehow naawa ako kay Sage. Mag-isa lang siya sa mundo na to. Lahat ng pamilya niya ay wala na. Buti na lang kasama niya si Sir Rusty.

"Sage... That's enough... " mahina kong sabi ko sa kanya nang makaramdan ako ng konting hilo. Mabils naman niyang tinigil at binitawan ang mga kamay ko.

"How can I repay you for your services? Ice cream? Cake? Spaghetti?" tanong niya sabay pahid ng konting blood sa bibig niya.

Ang sugat ko naman sa pulso, biglang naglaho. Sabi ni Sir Rusty, sa normal na vampires daw ay di nawawala ang bite marks ngunit iba daw kasi si Sage. Nagheheal ang sugat pag siya ang kumagat.

"Mukha ba kong pagkain? Well since nag alok ka, gusto ko dun sa Vikings buffet mamayang uwian. Gutom ako eh."

"Deal. Bakit di ka magstay samin this weekend?" tanong ni Sage sabay higa sa mga hita ko. Pag ganto siya ka-close sa akin, feeling ko totoong magjowa kami.

"I can't. Dadating na si Uncle Syl. Di pa niya alam na may vampire boyfriend ako."

"Siya siguro yung kasama mo nung una kita nakita kaso medyo nakatalikod siya kaya di ko nahagip ang mukha niya. Pero he looks younger kaya akala ko boyfriend mo siya."

"Marami nga nag-aakala na boyfriend ko siya, pero di kami bagay. Sobrang seryoso sa buhay ni Uncle Syl. Wala ata sa vocabulary niya ang salitang joke or charot."

"Bakit di mo ko ipakilala? I can visit you sa weekend. Dalan kita cake at ice cream."

"Ano akala mo sakin nasusuhulan ng pagkain? Pero magandang suggestion yan. Sige, dahil mapilit ka, magsasabi ako kay Uncle Syl. Samin ka na maglunch. Gusto ko ng mango cake at mango ice cream."

"Demanding ka din no? Anyway your wish is my command, my princess." 

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon