Chapter 66 - Review

26K 922 48
                                    

Pumasok ako sa mansion at sinalubong ako ng mga aso. Mukhang takot sila dahil sa kulog at kidlat. Mabilis ako pumasok sa kwarto ni Uncle Syl at nireview ang CCTV footages kung may kakaibang tao na pumasok sa bahay, pero wala naman. Naparanoid ako dahil balak ni Magawen na baliin yung neck ko.


Bakit? Para mawalan ako ng malay at mapagpatuloy nila ni Sage ang mainit nilang tagpo?

Mabilis ako pumunta sa bathroom para maligo. 

Bakit ba kasi nagpabasa pa ko sa ulan? Ang dami kong drama, ako lang nahirapan. 


Pagkalabas ko ng bathroom, andoon na si Sage at nakaupo sa kama ko. Di na ko nagtanong kung paano siya nakapasok kasi sasabihin na naman niya I am always underestimating him.


"Akala ko ba may chicken skin ka na pasalubong sa akin?" tanong niya habang nagpupunas ako ng buhok.

"Nasa kitchen, kunin mo na lang doon bago ka umuwi."


Shit, sayang! Kala ko pa naman masosolo ko yung chicken skin!


"Kamusta ang school?" tanong niya ulit nung tahimik lang ako nagbloblower ng buhok. Mahaba kasi ang buhok ko at ayoko matulog na basa ang buhok.

"Ok naman, last day na ng exams ko bukas. Bakasyon na kami," sagot ko sa kanya. 


Hindi ko siya tinatapunan ng tingin dahil baka umiyak lang ako pag napatingin ako sa mga mata niya. Alam ko he is curious kung paano nangyari na may lumabas na ball of wind sa kamay ko, pero nahihiya siguro siya magtanong dahil nahuli ko sila naghahalikan ni Magawen.


"About dun sa lumabas sa kamay mo kanina, ngayon lang ba nangyari yun?" tanong ni Sage na hindi umaalis sa pagkakaupo sa kama ko.


Nyek! Akala ko mahihiya siya magtanong, di pala!


"Hindi ko rin alam kung paano nangyari yun. Ngayon ko lang na-experience yun kaya wala din ako alam."

"Can I stay here for the..."

"No!" mabilis kong sagot sa kanya. Feeling ko nga tumaas ang boses ko na parang galit.

"I mean, magrereview kasi ako sa exams. Mas mabuti na mag-isa muna ako. Finals kasi ngayon. Kung ok lang?" mahinahon kong tanong sa kanya.


Buti naman at tumango lang siya. Ayoko muna makita siya dahil nagrereplay ang kissing scenes nila ni Magawen kanina at di ako makakafocus sa review. 

Iniwan ko si Sage sa kwarto at pumasok sa study room. Alam naman niya kung paano pumasok sa bahay undetected, alam na rin siguro niya kung paano lumabas.

Sinimulan ko magbasa ng mga written notes ko sa notebook. Buti na lang at nareview ko na ito nung isang araw at refresher na lang ang gagawin ko kaso walang pumapasok sa utak ko. Ang tanging laman ng isip ko ay si Sage at si Magawen.


"Aalis na ko. Kinuha ko na yung chicken skin. Salamat," malungkot na sabi ni Sage pagpasok sa study room. Di ko alam na andito pa pala siya sa bahay. Akala ko umalis na siya.

"Ha? Ah okay. You're welcome. Pakisara na lang yung pinto paglabas mo," sagot ko sa kanya at di tinatapunan ng tingin.

"Rei..."

"Ano yun?" tanong ko habang nakaharap sa notebook ko.

"Anong oras tapos exams mo bukas? Sunduin sana kita..."

"Sa hapon pa pero wag mo na ko sunduin. Maagap pa naman at maliwanag pa."

"Okay, ikaw bahala," mahina niyang sagot bago lumabas ng pinto.


The moment na marinig ko ang pagsara ng pinto, biglang tumulo ang luha ko.


 Ang hirap magpretend na nagrereview kung ang heartbroken ka. 

Sana may makadiscover ng medicine na pwedeng magpamanhid ng puso ko sa heartbreak...


Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pero isa lang ang alam ko, mas gusto ko na lumayo kay Sage...


Malayo hanggang makalimutan ko siya...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now