Chapter 73 - Forgiveness

27.5K 855 5
                                    

Maagap ako nagising dahil biglang pumasok si Sage sa kwarto ko na parang pag-aari niya to. Well, technically sila ni Sir Rusty ang may-ari ng bahay na to dahil sa guest room ako natutulog.

"Wake up."

"Ang agap pa, Sage. Wala ka ba taga luto ng breakfast?"

"Someone is waiting for you downstairs," seryoso niyang sabi.

"Kahit president pa ng Canada yan, paki sabi inaantok pa ko," sabi ko sa kanya sabay talukbong ng comforter.

"Walang president ang Canada, Prime Minister meron. Bumangon ka na nga," sabay hatak sa kamay ko patayo.

"Ano ba! Antok pa ko Sage! Sino bang bisita yan?" sabi ko sabay tanggal ng muta sa mata.

"Si Magawen."

Napatigil ako sa sinabi niya. Anong ginagawa niya dito? Di ba muntik na niya akong saktan?

"Ako ba kailangan niya o ikaw?" galit kong tanong Kay Sage sabay punta sa bathroom para maghilamos at magtoothbrush.

"She wants to speak with you."

"At tingin mo ok lang sa akin? Di naman lingid sa kaalaman mo na she almost attacked me habang tulala ka sa pagkakahalik niya sayo."

"You have to see her, Rei."

"Maliligo lang ako."

"There's no more time," sabi niya sabay hawak sa pisngi ko.

"Sage, why are you hurting me? Alam mo na ayaw ko siya makita. Alam mo na nasasaktan ako na siya ang first love mo. Alam mo na masakit na hanggang ngayon mahal mo pa siya. Wala ka bang consideration sa nararamdaman ko?"

Pero imbes na sumagot, hinalikan niya lang ako ni Sage. Mabilis na halik, siguro para ikalma ako or para tumigil ako sa pagdradrama.

"Ok na yan. Fresh na ang breath mo. Let's go," sabay kuha niya sa kamay ko.

Pag baba ko sa grand staircase, andun na si Uncle Syl at may kasamang matanda sa wheelchair. Akala ko si Helda pero mas matanda pa siya kay Helda na parang more than a century old na. Tahimik ang lahat kahit si Sir Rusty.

"Reichel..." mahinang tawag ng matanda sa akin.

Tumingin lang ako kay Uncle Syl na para magtanong kung sino ang matandang babae ngunit ngumiti lang siya. I looked at her and her eyes and face look familiar kahit matanda na siya. Somehow I knew that this old woman is no other than Magawen.

"Patawarin mo ko Reichel, sana mapatawad mo ko..."

Yun ang huli niya sinabi bago unti unting natuyo ang katawan niya at naging abo at naglaho sa hangin. I was stunned. It is as if hinintay niya lang ako para pumanaw.

"Anong pong nangyari? Si Magawen ba siya talaga? Bakit bigla siyang naging abo?"

"She came to me a few hours ago at hindi ganyan ang hitsura niya. She looks old but not like this. The Kiss of Death poison worked on her too. She knew that she's dying and all she wants is to ask for your forgiveness," sabi ni Uncle Syl.

I was speechless. Why would Magawen take the poison if it will kill her? Sage hold my hand nang maramdaman niya na I'm shaking.

"Armand is her maker. She is supposed to be free just like Lena, but someone else is commanding her and controlling her."

"Uncle, that's not possible. Sinong makapangyarihan na tao ang pwede mag compel kay Magawen kung wala na si Armand?"

"It is possible if it is Armand's twin brother, Arvind," sabi ni Sage.

"You knew it all this time?"

"No. I remembered killing Armand but I don't remember killing Arvind. He's not a royal vampire but he's more cunning if he can command all vampires created by his brother. He's different," sagot ni Sage. Nasa mukha niya ang pagiging seryoso.

"What do you mean different?"

"Si Armand ay isa sa mga wise adviser ng Rajah, but he has a timid twin brother Arvind. The babaylan thinks that Arvind is something else but they can't prove it."

"Sage is right. Nabanggit na ni Magawen sa akin kagabi na mag-ingat kay Arvind. Hindi siya ordinary vampire. Isa siyang Kampon ni Kadiliman turned into vampire. More powerful. More evil. Magawen is like an obedient soldier to him dahil..."

"Dahil ano uncle?"

"Dahil napamahal na siya kay Arvind. Si Armand ang maker niya, pero si Arvind ang minahal niya kaya patuloy siya naging tapat na servant kay Armand. But when she knew that she's dying, she discovered that Arvind does not love her. Ginamit lang siya dahil sa kapangyarihan niya."

Di ko alam kung matutuwa ako dahil sa huling hininga ni Magawen ay humingi siya ng tawad sa amin o matatakot dahil sa katauhan ni Arvind.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now