Chapter 51 - Miraya's Heart

33K 930 21
                                    

Medyo maliwanag na ang buong paligid nang maagising ako.

Ano bang nangyari kagabi? Kinagat na naman ba ako ni Sage?

"Babe, wake up," malabing na bati ni Sage na nagpagising sa akin. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapagtanto ko na nakayakap ako sa kanya at nakahiga sa dibdib niya.

"Umaga na ba?" mabilis kong bangon at tanggal ng braso ko sa kanya.

"Nag island tour na yung mga ibang students. Halika na, may pupuntahan tayo," sabay kuha niya sa kamay ko para lumabas ng tent.

Di pa masyado sumusikat ang araw pero marami na ang mga estudyante at tourist na nasa beach. Pagkalabas ko ng tent, may dalawang lalaki na tila nag-aabang sa amin sa di kalayuan.

"Sir, ok na po ba?" tanong ng isang lalaki na mukhang isang lokal.

"Ok na po. Pasensya na po, ang tagal gumising ng girlfriend ko," sabi ni Sage sabay hila sa akin papunta sa isang bangka.

Girlfriend? Sino tong mga to? May namissed ba akong pangyayari?

Tahimik ako sumunod sa dalawang lalaki at kay Sage. Yung isa, inayos ang bangka na sasakyan namin samantalang yung isa, may dalang dalawang shovels na inaakyat sa bangka.

"Care to share kung saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa bangka.

"Pupuntahan natin si Miraya," maikli niyang sabi sabay yakap sa akin mula sa likod. Makipot lang ang bangka kaya nasa unahan ako at nasa likuran ko siya nakaupo.

"Buhay pa si Miraya? Akala ko..."

"She's dead pero ang kanyang puso ay nakalibing somewhere sa island na pupuntahan natin," mahinang sabi ni Sage sabay lapit ng mukha niya sa leeg ko.

"So kaya ka sumama sa field trip dahil dito?"

"Ano akala mo sa akin? Tigang? Sasama lang sa field trip para makakita ng naka two-piece na chicks?" naiiritang tanong niya sa akin. Alam ko, anytime, kakagatin na niya ang leeg ko.

"Ay oo nga pala. Sa gwapo mong yan, malamang marami ka na naging chicks. Paki explain nga ulit bakit nakayakap ka pa sa akin? Di naman ako tatalon ng bangka."

"Ang puso mo, kalma ka lang. Umaandar na naman ang selos mo," sabay kagat niya nang bahagya sa leeg ko.

"Excuse me? Hindi ako nagseselos sa mga chicks mo. Di ba I told you di kita type? At bakit mo sinama sila kuya bangkero dito? Akala ko ba sikreto ang lugar kung saan nakalibing si Miraya. At saka, itigil mo nga yang kalokohan mo, baka makita ka ni kuya sa likod mo. Baka isipin niya, vampire ka talaga!"

"I compelled them na dedmahin lahat ng makikita nila at kalimutan lahat ng ito once nakabalik na tayo sa cove. And besides, tinatamad ako maghukay. Don't worry, they are well compensated," patuloy niyang pag-inom sa dugo ko. I can feel the pain in my neck, pero saglit lang dahil mabilis kami nakarating sa isla.

Tumigil ang bangka sa isang maliit na isla na may rocky shore. Wala magkakainterest na pumasyal dito dahil mabato at mahirap mag swimming. Bumaba kami at pumasok sa mala gubat na looban ng isla. Madaming puno at vines, nakakaligaw. Buti di gaanong kalakihan ang isla.

"Saan naman dito nakalibing ang puso ni Miraya? May palatandaan ka ba?" tanong ko habang naglalakad. Yung dalawang lalaki na kasama namin, tahimik na sumusunod sa amin na parang robot.

"Tingin mo kailangan ko pa nun?"

"Ay sorry uli ha? May mega memory ka nga pala."

"Ikaw lang ang hindi bilib sa akin eh. Andito na tayo," sabi ni Sage nang tumigil kami sa tapat ng isang puno.

May nakaukit na symbol sa puno pero di ko alam kung ano. Nagsimulang maghukay ang dalawang lalaki na kasama namin. Si Sage naman ay seryoso silang pinagmamasdan.

"Decided ka na ba talaga maging human uli?" tanong ko kay Sage.

"Kung matahimik sana na nabubuhay ang mga vampires sa panahon na ito, hindi na ko kikilos pa ngunit naghahasik pa din ang iba ng gulo. Pati mga normal na tao, nadadamay."

Natigil lang ang usapan namin nang tumama ang shovel ni kuya bangkero sa isang metal na box. Parang baul na rectangular in shape.

"Ganito ba yung coffin mo na kinukwento ni Sir Rusty?" tanong ko habang binubuhat ng dalawang lalaki ang baul.

"Oo, parang ganun na nga. Miniature version ito pero may password. Ang mga babaylan ang gumawa nito pero ako lang ang nakakaalam ng lugar kung saan ito nakatago."

"Password? Kaloka! Saan mo tatype password diyan?"

"More like retinal scanner pero this time, I will use my blood."

Biglang nilabas ni Sage ang isang swiss knife at hiniwa ang kanyang kamay. Pumatak ang kanyang dugo sa metallic box na ko singlaki lang ng shoebox. Biglang gumuhit ang dugo niya sa box at unti unting lumitaw ang mga concealed symbols. Saglit pa ay may narinig akong sound ng isang latch na bumukas.

Sage opened the box at andoon ang isang darkened heart na parang nasunog sa apoy. Obvious pa din ang hiwa sa gitna. Ito marahil ay cause ng white blade na sinaksak ni Sage noon kay Miraya.

Mabilis namin na inuwi ang metallic box sa cove at inayos na ang aming mga gamit. Pagdating ng tanghali, nagsimula nang sumakay ang mga estudyante sa bangka papunta sa port kung saan nag-aabang ang school bus.

Bago kami sumakay ng bus, binati kami ni Matthias. Surprisingly, ngumiti si Sage at nagsabi pa na Let's keep in touch.

"Close na pala kayo ngayon ni Matt. Di ko man lang nabalitaan," sabi ko nang makaupo kami sa bus.

"Alam ko sasabihin mo. Magjojoke ka na naman ng corny gay jokes mo na di nakakatuwa."

"Kayo na ba ni Matthias?" tanong ko sa kanya ng nakakaloko.

"I spoke with him last night habang humihilik ka. I told him kung sino talaga ko. He is willing to help me, serve me as a matter of fact. At nararamdaman ko na genuine ang kanyang offer."

"Grabe, wala man lang nag inform sa akin na kayo na. Type ko pa naman si Matthias, aagawin mo pa."

"Huwag mo ko pagselosin, 'di tatalab 'yan," sabi niya sabay lagay ng sunglasses sa mata.

"Kahit kiss ko si Matthias sa harap mo? 'Yong torrid na French pa?" curious kong tanong sa kanya.

Inirapan lang ako ni Sage. Di ko alam kung nagseselos siya o nandidiri siya sa sinabi ko.

"Nagtext si Rusty kagabi. Ngayon ko lang nareceived dahil walang signal sa cove. Silawin contacted him daw. Hinihintay niya tayo sa bahay niyo. It's an urgent matter. Pumunta daw agad tayo sa inyo. Rusty is on his way there."

"Bakit daw?"

"Di ko alam. He may have important news about Magawen."

Ano kaya nafefeel ni Sage kay Magawen? Mahal pa kaya niya ang great grand lola ko? Excited ba siya na mameet to uli?

Sa bawat tanong ko, unti unti nasasaktan ang puso ko...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now