Chapter 45 - Barbeque

30.9K 969 37
                                    

Dumating kami sa beach cove around lunch time. Kahit ako, napahanga sa ganda ng lugar. Nakita ko na yong crescent shaped beach cove sa pictures pero iba pa rin sa personal. May mga pine trees at pristine white sand. Spectacular and romantic. Kaso yung kasama ko, walang traces ng pagka romantic sa katawan.

Madami ng mga students ang nauna sa amin at nagsesetup ng tent nila nang dumating kami. Tinulungan ko si Sage na ayusin ang tent namin at inayos ang mga gamit namin. Hindi ko alam, pero antok na antok pa din ako.


"Sage, pwede ba ko matulog muna? Antok much pa ako eh," tanong ko sa kanya pagkatapos namin maglunch.

"May lahi ka bang baboy? Pagtapos kumain, tulog?"

"Ang init pa, mamaya na lang ako maglalamyerda. Sleep muna ko ah?" sabi ko sa kanya sabay pasok sa tent.


Pag mulat ko ng mga mata, medyo hapon na. Si Sage naman ay nakaupo sa buhangin sa may malapit sa beach. Enjoy na enjoy ang loko sa araw.

"Bakit hindi ka pa nagswimming?" tanong ko sabay upo sa tabi niya.

"Malamang tulog ka pa. Saka enjoy naman ako sa view na nakikita ko," sabay ngiti ng nakakaloko.

Hindi ko sure kung nag eenjoy siya sa araw, sa view ng beach at mountains o sa view ng mga naka two piece na babae na nagtatakubuhan sa di kalayuan.


"Hi, Sage!" bati ng dalawang estudyante na nakarashgard at bikini na dumaan sa harap namin. 

Kahit ako napatingin dahil ang puputi ng kanilang mga legs. Ngumiti lang si Sage sa kanila at tumango.

Wow, artista lang ang peg? Sikat?


"Hey, Sage, why don't you join us for a swim?" tanong ng tatlong estudyante na lumapit sa amin after a few minutes gamit ang kanilang mapang-akit na boses.

Kailangan talaga landiin si Sage kahit andito ko?

Naka two piece swimsuits sila at kulang na lang, sumigaw ang kanilang mga hinaharap. Tumango lang uli si Sage at ngumiti lang sa kanila. Kinilig ang mga estudyante sa smile ni Sage. Ang mga walang hiya, walang pakialam kahit katabi ko lang si Sage.


Maya maya pa ay may dumaan na dalawang babae na nakahubad sa harap namin. 

What the fuck? Bakit sila nakahubad?

"Sage, may nude beach sa kabilang side ng beach. Come on, join us," sabi ng isang estudyante na nakahubad.

"Oo nga, Sage. Mag-eenjoy ka dun," sabay kindat ni naked student number two.

"Later na lang," matamis na sagot ni Sage at hindi niya matago ang nakakaloko niyang ngiti.

"Sige na, pumunta ka na dun nude beach. Ako na bahala dito sa tent," sabi ko sa kanya nang makaalis ang dalawang hubad na estudyante. Obvious naman na gusto niya pumunta dun base sa ngiti niya.

"Wala ko balak pumunta dun."

"Wala daw eh hindi mo nga maitago yung ngiting manyak mo eh," sabi ko sa kanya sabay kurot sa braso niya.

"Ouch, ouch naman. Tigilan mo nga ang kakakurot sa akin, pupunta talaga ko dun."

"Eh di pumunta ka, now na!" sabay hampas ko sa braso niya.


"Reichel..."


Napalingon na lang kami ni Sage nang dumating si Matthias. Nakashades din siya tulad ni Sage, pero wala siyang rashgard. Naka beach shorts lang siya at kitang kita ang kanyang abs and well toned chest.

"Hi, Matt!" perky ko na bati sa kanya sabay irap kay Sage.

"Nagluluto ako ng chicken barbeque, di ba favorite mo yun? Baka gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Barbeque? Sige puntahan kita sa may tent niyo. Tulungan na din kita magluto. Magpapalit lang ako ng damit."

"PG ka no? Inalok ka lang ng pagkain, sasama ka na?" tanong ni Sage nang makaalis si Matthias.

"Dun muna ko kay Matthias. Ikaw naman, dun ka na muna sa pinapangarap mong nude beach," sagot ko sa kanya sabay hubad ng rashgard ko at cycling shorts.

"Oh bakit naka two piece ka na? Magluluto ka lang ng barbeque, kailangan naka two piece?" galit niyang tanong sa akin.

"What if mag swimming kami ni Matthias later? Di ba nga sabi ko sayo, siya ang type ko? Siya ang man of my dreams?"

"Basta bumalik ka dito bago magdilim. Pag wala ka pa pag lumubog ang araw, kakaladkarin talaga kita pabalik dito," masungit na sabi ni Sage.


Pinuntahan ko si Matthias at tinulungan ko siya mag grill ng steak at seafood. Bago magdilim, bumalik na ko sa tent dahil baka pagalitan ako ni Sage.


"Ako nagluto niyan. Tikman mo yung grilled steak," sabay bigay ng isang plato ng puno ng grilled foods.

"Buti naman at naisipan mo bumalik. Akala ko may balak ka din magpakagat kay Matthias," sabi ni Sage habang kumakain.

"Nagpunta ka ba sa nude beach kanina?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuan niya so malamang hindi siya umalis.


Bago pa siya makasagot, biglang may lumapit na classmate namin. Madami siya buhangin sa katawan at galos at walang saplot.

"Help, President Rei... Yung mga classmates natin..." sabi niya habang umiiyak at hinihingal.

"Hey, ok ka lang ba? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya sabay alalay sa kanya dahil muntik na siyang bumagsak.

"Si Lena... She's a monster... She killed most of the students in the nude beach..." nanginginig niyang sabi.

"Stay here inside our tent. Don't go anywhere," sabi ni Sage sa estudyante sabay bigay ng towel sa kanya para matakpan ang kanyang katawan.

"Rei, maiwan ka muna dito. Samahan mo siya," sabi ni Sage sa akin nang maisara namin ang tent.

"No! Sasama ako!"

"Fuck, fine! Come here!" bigla akong kinarga ni Sage at walang warning, mabilis siyang tumakbo papunta sa nude beach gamit ang kanyang super human speed.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon