Chapter 25 - Martial Artists

36.4K 1.2K 28
                                    

Kinabukasan pumasok ako ngunit absent si Sage. Mas mabuti na siguro na di ko na siya makita. Complicated na nga na ancient being si Uncle Syl. Mas lalong gugulo kung ipagpapatuloy ko ang relationship ko sa isang ancient vampire.

Days passed and Sage and I avoided each other. Marami ang nakakapansin at I am sure, marami ang nagdidiwang sa aming paghihiwalay.

Bakit pa kasi pumapasok pa siya sa school? Paano ko makakamove on kung nakikita ko siya araw araw?

Malapit na ang examination week. Minabuti ko magstay muna sa university para mawala sa isip ko si Sage at makapag focus sa pag-aaral. Inayos ko lahat ng pending projects ng class namin. Pati assignments at projects ko na next week pa deadline, tinapos ko na din. Di ko namalayan na gabi na pala.

Nagulantang na lang ako ng biglang nag ring ang phone ko. 

Shit! Hinahanap na ko ni Uncle Syl!


"Hello? Uncle?"

"Reichel asan ka? Gabi na."

"Nasa university pa po ako pero pauwi na. May tinapos lang ako mga projects."

"Kasabay mo ba si Sage?"

"Uhmm... Hindi po. Ako lang mag-isa pero pauwi na po ko. Palabas na po ako at kakalock ko lang ng pinto ng classroom."

"Hintayin mo ko, susunduin kita sa school."

"Wag na, uncle. Palabas na ko ng university. Maagap pa---"


Di ko natapos ang sasabihin ko nang makita ang tatlong estudyante na nag-aabang sa corridor at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napuno ng takot. 

Bakit andito pa sila?

Pinagmasdan ko silang tatlo at hindi ako nagkakamali, sila ay mga senior students na panlaban ng university sa Taekwondo, Karate at Judo. Ang leader nila ay si Armand, isa sa mga hearthrob ng university.


"Mabuti naman at hindi mo kasama ang boyfriend mo," sabi ng isang estudyante na nakangiti sa akin.

"Palagi ka may bantay. Buti at naisipan mo mag pagabi," dagdag ng isa pang estudyante.

"Reichel Manahan, right?" mabilis na nakalapit sa akin si Armand. Sa isang kisap mata nasa harap ko na siya. 

What the fuck? Is Armand a vampire?

"Hmmm? Di ba dapat tumatakbo ka na sa mga oras na to? Matapang ka pala," tanong sa akin ni Armand na nasa harap ko lang.

Tama siya. Dapat tumatakbo ba ko palayo sa kanila. Pero kung may superhuman speed si Armand tulad ni Sage, useless tumakbo.

Think, Rei. Glowing red eyes at night. Superhuman speed. They're vampires.

"Anong kailangan niyo sa akin?" matapang kong tanong.

Think. Alam ni Uncle Syl na nasa panganib ako dahil naka on pa rin ang phone ko. I am sure alam niya na may na encounter ako na peligro. Sooner or later dadating siya pero it will take him a few minutes. Baka bangkay na ko pagbalik niya.

"Wow, I admire you Reichel. Hindi ka natatakot sa amin. Alam mo ba kung ano kami?" sabi ni Armand sabay hawak sa pisngi ko pero mabilis kong sinalag ang kamay niya.

"Tanga lang ang hindi makakarecognize kung anong klaseng nilalang kayo. Pero bakit? I saw the three of you sa flag ceremony a few days ago. Nasa araw kayo," curious kong tanong sa kanila habang bahagyang umaatras sa kanila.

"It's because we were humans back then," sabi ng mga alalay ni Armand habang lumalapit sa akin.


This only means na may vampire somewhere na malapit sa university. Someone turned them into vampires. 

Si Sage o si Sir Rusty kaya ang nagturned sa kanila into vampires?

I doubt it. Hindi gugustuhin ni Sage o ni Sir Rusty ang gantong pangyayari. Bumalik sila dito para pigilan ang mga recent vampire attacks.


"Wait lang. Bakit ako?" matapang kong tanong sa kanila.

"When we transformed as vampires, we have this strong thirst to drink human blood. A new technological discovery satisfied our thirst. But with you, we can't control it. All we can think of is to drink your precious blood. It's driving us crazy," explain ni senior student number one.


Synthetic blood. That's what they are probably using. Pero why are they experiencing the same thirst with my blood? Sabi ni Si Rusty, wala naman daw siya nararamdaman na ganung uhaw sa akin, si Sage lang.


"Any other questions before we devour you? You'll probably die and you will turn into a vampire just like us," nakakalokong tanong ni senior student number two.

"Wait, wait, wait. Wag kayong excited. Wala din naman ako takas. Pero wait lang, chill. Pano yan puro night life na lang ba kayo? So bawal na kayo sa araw?" tanong ko sa kanila.

Delaying tactics ang questions ko. I need to buy more time para mapuntahan ako ni Uncle Syl.

"We have to give up our day lives in exchange for this power. Sorry, Reichel. We don't mean to hurt you pero di namin mapigilan ang mga sarili namin the moment na maamoy ka namin," sabi uli ni senior student number one.

Parang yung kay Sage lang. Di makontrol ni Sage ang sarili niya pag naamoy ang dugo ko.


Dugong bughaw ba ko? Mataas ba ang cholesterol ko? Perfect ba ang RBC count ko at di mapigilan ng mga vampire na ito ang sarili nila para drain ang dugo ko?


"Last question na lang, soon to be vampire buddies. Who turned you into a vampire?"

"Our maker, Mistress Margaux," proud na sagot ni Armand.

"Siya ang nag nagbigay ng bagong meaning sa buhay namin," sabi ni senior vampire number one.

"Dahil sa kanya, naranasan namin maging makapangyarihan," dagdag ni senior vampire number two.


I know these three men. With their vampire blood, ma-eenchance nito ang talents nila. 

Who the hell is Margaux? Is she trying to make an army of young and strong men?


"Your time is up, Reichel. You can now say your little prayers. See you in the vampire world," bulong ni Armand sa akin.

Pinikit ko ang mga mata ko nang makita ko na papalapit silang tatlo sa akin. 


Good bye Sage...

I guess mahal na talaga kita dahil ikaw lang ang naiisip ko sa huli kong hininga...

Sayang lang at di ko nasabi na mahal kita...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now