Chapter 35 - Pool

35K 1.1K 56
                                    

Lumabas kami ni Sage ng study room at niyaya niya ako sa swimming pool sa garden. Akala ko magpapahangin lang kami pero without warning, naghubad ng damit si Sage at walang pakialam kahit andoon ako.


"Hoy lalake! Bakit ka naghuhubad?"

"Hindi ba obvious na maliligo ako?" sagot niya sa akin sabay hubad ng kanyang pants. Tumalikod ako nang maramdaman ko na huhubarin niya pati ang kanyang underwear.

"Yung totoo, kailangan walang saplot pag naliligo sa pool?"


Hindi na ko sinagot ni Sage dahil nagsimula na siyang tumalon sa pool. 


Backstroke, Butterfly Stroke, Breaststroke...


Natulala ako dahil ang galing mag swimming ni Sage na parang nanunuod ako ng olympics. Well, natulala din ako kasi ang ganda ng katawan niya, parang isang perfect masterpiece. 


Bawal mamboso?


"Come here," utos niya sakin after ng ilang breathtaking lapses sa pool.


He told me to sit beside the pool sa tapat niya. Para naman akong alipin na sumunod lang sa pinag-uutos niya. Sabagay prinsipe siya, ako ay isang hamak na whatever lamang. Hinubad ko ang rubber shoes at medyas ko saka tinaas ang pants ko na parang magsasaka.


"Anong trip mo? Madilim na saka ka pa naligo. Napakalamig pa naman," sabi ko sabay upo sa pool. Yung mga paa ko ay nakasawsaw sa tubig pero hindi malamig ang pool.

"Whenever na stressed ako, swimming is my hobby para mawala ang stress ko at para makapag concentrate," sabi niya sabay patong ng mga braso niya sa binti ko. Wala pakialam kahit mabasa niya yung pants ko.

"Sage anong bang gagawin ko? He wants me to meet him later sa parking lot. Kung hindi ako dadating, he will know na walang talab ang vampire compulsion sa akin."

"Sabi ni Silawin, your mom was probably killed because she was the heir of the Punong Babaylan and some vampires probably thought that your mom is capable of stopping the curse of Miraya. Kapag naging tao na uli ako, all vampires will lose all their vampiric powers. And that will be the end of the vampire race kaya gusto nila na mawala ka sa landas nila," paliwanag ni Sage na nasa harapan ko.

"So I am a walking target now? Hindi ko nga kayang ipagtanggol ang sarili ko sa holdapper, ancient vampires pa kaya na tulad ni Matthias?" sabi ko sabay buntung hininga.

"Kapag pumunta ka pabalik sa school, he might kill you. Kung di naman, malalaman ni Matthias na may kapangyarihan ka ng Punong Babaylan. Again, he might go after you and kill you for this."

"Eh di gawin mo kong vampire, Sage? Pwede naman yun?"

"Once na naging vampire ka na, di mo na matatanggal ang sumpa ni Miraya. And forever na mag-eexist ang vampires," malungkot na sabi ni Sage sabay patong ng ulo niya sa mga binti ko.

"You're not giving me any options, Sage! Ano gagawin ko? Saka binasa mo yung pants ko!"


I am literally shaking dahil sa takot at dahil na din sa malamig na hangin sa garden. Buti na lang at may hot na creature sa tapat ko. Feeling ko para kong isang wanted na criminal. Para akong isang prey na ready na kainin ng mga predators.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon