Chapter 38 - White Blade

32.3K 1.1K 141
                                    

Before midnight, nauna na si Sage pumunta sa school. Kung nasaan man siya, wala ako idea. Todo kaba ng dibdib ko kasi may chance na last night on earth ko na to. Dahan dahan ko pinark ang kotse ni Sage sa same spot kung saan kami nagkita ni Matthias kanina.


Pag baba ko ng sasakyan, nakita ko na agad na palapit si Matthias Wolf sa akin. Kung di pag-aari ni Sage ang puso ko, maaattract ako sa kanya. 

Sabi ni Sage sa akin, I need to relax. Hindi dapat malaman ni Matthias na kinakabahan ako.


"Reichel, you're back," nakangiting sabi ni Matthias habang naglalakad palapit sa akin. He looks stunning with his fitted sweatshirt.

"Because you asked me to. Bakit uli ako andito?"

"I am so happy to see you again, Reichel."


Lumapit si Matthias sa akin at hinawakan ako sa balikat. 


Another vampire compulsion na naman ba gagawin niya?


"I want you to keep this blade. Keep it safe and hidden from anyone. If someone attempted to hurt you, do not hesitate to thrust this in their hearts," mahinang sabi ni Matthias sabay bigay ng isang white na blade.


It looks like a small ceramic knife pero I recognized this blade. The same blade used by Isagani kay Miraya. 


Why is he giving me this blade?


I looked at Matt's eyes and I can only see tenderness. Walang anger or killing intent. He looks really happy and somehow I know deep within me that he cares for me.


"Matt..."

"Go home, Reichel. Take care, be alert. You won't remember anything about this tomorrow," sabi ni Matthias sabay halik sa mga pisngi ko bago mabilis na umalis.


The blade has some ancient writings and carvings. Ipapadecode ko na lang to kay Sir Rusty or aask ko si Sage kung ito ang same blade na pag-aari niya noon.


"Did he just fucking kiss you?" galit na tanong ni Sage after ilang minuto. I am certain wala na si Matthias sa paligid kaya lumitaw na si Sage.

"Look at this. Di ba ito ang ginamit mo na punla kay Miraya? Bakit nasa possession to ni Matthias?"

"I'm asking you, did he kiss you?" tanong ni Sage ulit sa akin.

"Ha? Oo, sa cheeks. Nag goodbye kiss pa si gago. Tignan mo tong blade na to. May mga small drawings, pero di ko na masyado makita, parang luma na. May nakasulat na ewan, di ko mabasa."

"At okay lang sayo na halikan ka niya?" inis na tanong ni Sage.

"May magagawa ba ko? Di ba I must pretend na I am under his compulsion?"

"You act as if hindi ka affected. Bakit nagustuhan mo ba?"

"Bakit ako maapektuhan? It is just a plain goodbye kiss sa cheeks. Don't tell me ikaw ang affected? Bakit gusto mo din na kiss ka ni Matthias?" biro kong tanong sa kanya habang nakatingin pa din sa blade.

"Really? That's your rebuttal?" taas kilay niyang sagot sa akin.

"Eh ang kulit mo eh! Nagsasalita ako about sa blade na to, puro yung kiss ni Matthias ang iniisip mo. Sage, wag mong sabihin isa kang..." tanong ko with matching nakakalokong ngiti sabay kurot ko sa tagiliran niya.

"Rei... Don't go there."

"Ikaw talaga, Sage. Type mo ba si Matthias? Yihee, type mo siya noh?"

"Tumigil ka."

"Aminin mo, gusto mo ikaw ang kiss niya at nagseselos ka na ako ang binigyan niya ng goodbye kiss? I knew it, you are gay!"

"Hindi ka ba talaga titigil? Tutuloy mo pa ba yan?"


Aasarin ko pa sana siya hanggang mapikon siya kaso yung mukha niya parang galit. Kulang na lang palibutan siya ng dark aura.


"Okay okay, moody prince. Halika na nga umuwi na tayo, may pasok pa tayo bukas."

"Wait lang..." sabay hila niya sa kamay ko.

"Ano na naman ba?"

"Di ba sabi mo may dessert ako pag nakauwi ka ng buhay sa encounter ninyo ni Matthias?"

"Sinabi ko ba yun? Haist! Ok fine! Oh konti lang ah? Madami cholesterol ng dugo ko dahil sa dami ng kinain natin kanina," sabay bigay ko sa kanya ng kamay ko para kagatin niya yung pulse ko.

"But I prefer to drink from here..."


Hinila ko ni Sage ng marahas palapit sa kanya and he imprisoned me in his arms. Lumaki na lang ang mga mata ko when he quickly sank his fangs on my neck. Wala na ko nagawa at napapikit na lang ako sa ginawa niya. It is not painful as if may soothing and healing powers si Sage.


"You taste like... Tapsilog..." sabi niya na nakangiti sa akin matapos makainom ng konting blood from my neck.

"Sage, di ko sure kung compliment yan o nilalait mo na naman ako."

"It's getting late. Let's go. Thanks for the midnight snack, babe."

"Anything for you, Your Majesty," sabay talikod ko sa kanya at lakad papunta sa kotse. 


Kung hindi ko lang mahal tong gagong to, hindi ko siya papainumin ng dugo ko.


"Rei..."


"Ano na naman ba..."


Naramadaman ko na lang na bigla akong hinila ni Sage palapit ulit sa kanya. 


Bakit ba palagi na lang akong hinihila nito?


Bago pa ko makapag-isip, mabilis na inangkin ni Sage ang mga mga labi ko. It was quick yet passionate enough para tumanim sa isipan ko.


Is Sage kissing me? Bakit feeling ko nasa heaven ako? Shit, di ako makatulog nito!


"Baka kunin ni Matthias ang first kiss mo. Mabuti na ako na mauna," nakangiti na sabi Sage sabay pasok sa kotse.


What the fuck? Ano to competition? Hinalikan niya ko para makalamang kay Matthias?


Di ko siya kinibo nang pumasok ako sa kotse. Naghahalo ang hilo, antok at pati galit at kilig ko sa mga oras na to. 


Pero kahit gusto kiligin, nanalo ang antok...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now