Chapter 81 - Quinn

25.2K 802 23
                                    

Maraming waiters na umiikot na may dalang champagne. Marami din guests ang na nagsasayaw na sa dance floor. Lahat ay nakamask and they all look gorgeous. 


Shit, wrong move ata na humiwalay ako kay Sage.


Pumunta ko sa dessert sections at sinimulan tikman ang mga assorted cakes and pastries. I am sure dito lang ako mahahanap ni Sage. Yan ay kung hahanapin niya ko kasi bago ko humiwalay sa kanya, may isang blonde na chicks na agad ang lumapit sa kanya.


"You're new," sabi ng isang lalaki sa tabi ko na kumukuha din ng chocolates.

"Ha? Yeah I'm new," sabay ngiti ko sa kanya. Buti naman at hindi ako nag-iisa na kumukuha ng dessert.


New? Teka, paano niya nalaman na bago lang ako eh naka mask ako? Ako lang kaya ang matakaw sa ganitong event kaya nabuking niya na bago ako?


"I'm Quinn and you are?"

"Amber," maikli kong sabi sa kanya sabay kagat ng isang golden small cupcake. 


Made from real gold kaya ito? Grabe, ang sarap nitong cupcake na to!


Inalok ko siya ng golden cupcake. Ayoko naman na nagmukhang suplada. As far as I know, elite vampires ang mga nandito.


"You're with Matthias. I saw you came with him earlier."

"Uhmmm..."


Teka paano ko ba sasagutin si Quinn? 


Puno ang bibig ko ng pagkain. At ang alam ko, hindi alam ng mga royal vampires ang identities ng bawat isa. Kung alam man nila, they keep it a secret as a sign of respect.


"Matthias is a good friend of mine. That's why I know him," sabay bigay niya sa akin ng isang glass of water. Siguro alam niya na malapit na ko mabulunan.


I just smiled at him again, yung sweet na parang nagsasabi ng thank you. Pero ayoko makipag-usap kay Quinn. Una, English ng English. Obvious ang American accent. Nauubusan ako ng English. Pangalawa, mas prefer ko ang mga exquisite food kaysa makipag socialize.


"Quinn! It's good to see you," mahinang sabi ni Matt sabay abot ng kamay for handshake kay Quinn.


Hay salamat, andito si Matt...

Bahala na silang mag-usap, friends naman sila. Aalis na sana ako nang biglang magsalita uli si Quinn.


"Matt, I didn't know that you'll bring a lovely girl tonight. My heart quickly jumped by the mere sight of her," sagot ni Quinn sabay tingin sa akin.


Kung kanina, hindi pa ko nabubulunan, I am sure ngayon, bumara na yung cupcake sa lalamunan ko. Mabilis ko inubos yung tubig bago pa ko umubo ng umubo.


"This is Reichel Amber, a good friend of mine. Reichel, this is Quinn, one of my most trusted friend."


Nakipag shakehands lang din ako sa kanya. Partly, nakahinga ko ng maluwag nang malaman ko na friend pala siya ni Matt.


"Is it alright if I will borrow Amber for a dance?" tanong ni Quinn kay Matt.

"It is not up to me, it is up to her," sagot ni Matt.

"May I have this dance?" tanong niya sa akin. 


Ngumiti lang ako at kinuha ko ang kamay niya. Di man ako marunong sumayaw, umagree pa din ako at niyaya niya ko sa dance floor.


"Just relax and feel the music," mahinang sabi niya sa akin habang dahan dahan kami nagsasayaw. Di naman akward kasi magaling na dancer si Quinn at mabilis ako na nakakasunod sa kanya.

"Si Matt ba ang nagturned sayo into vampire?" tanong niya sa akin habang nagsasayaw kami sa gitna ng dance floor. 


Salamat na lang uli dahil nagtatagalog siya. Pero imbes na sumagot, umiling lang ako. I can't afford to tell him that it was Sage who turned me.


"Or is it Prince Isagani?" seryosong tanong niya na nagpatigil sa akin sa pagsasayaw.

"Relax, Amber. Akala mo ba hindi kita makikilala? Alam ko na ikaw ang tagapagmana ng Punong Babaylan and I know that you almost died that night. Don't worry, I am not here to hurt you," mahina niyang sabi sa akin sabay hawak sa mukha ko. I can see in his eyes na he is telling the truth pero mahirap na magtiwala.

"Isa ka bang royal vampire tulad ni Matt?" bulong ko sa kanya habang patuloy ang pagsayaw namin.

"Yeah, you can say that, but I prefer to be called a handsome vampire instead," sagot niya sabay ikot sa akin sa dancefloor.

"Handsome vampire?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Are you going to disagree? If yes, ipagkakalat ko sa lahat ng andito ko kung gaano karami ang kinain mong dessert," nakangiti niyang sagot.

"The word handsome seems underrated kung idedescribe ka," sagot ko sa kanya. 


Quinn is not handsome, he is really gorgeous. Maamo mukha niya na parang isang matinee idol. Parang Filipino version ni Lee Min Ho.


"Does that mean that you find me attractive? Just say yes at padadalhan kita ng masasarap na dessert araw araw."

"Mr. Handsome vampire, just so you know, I am not flirting with you. But yes, you are very attractive."

"That's good to hear. Akala ko walang effect ang charms ko sayo. Would you like me to tour you around?"

"Tour? Dito sa loob ng headquarters?"

"Well, kung gusto mo lang naman."


Tumango lang ako at sumunod kay Quinn. Kung tiwala si Matt sa kanya, I am sure hindi ako mapapahamak kasama siya.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now