Chapter 86 - I Know It

37.4K 945 107
                                    

Graduation day. I feel so happy dahil natupad din ang pinapangarap ng mama at papa na makatapos ako. Salamat na lang din sa lahat ng tulong ni Uncle Syl.


"Reichel, nagustuhan mo ba yung regalo ko sayo?" tanong ni Uncle Syl nang palabas na kami sa auditorium kung saan ginanap ang graduation ko. Tinutukoy ni Uncle Syl ay ang bagong kotse na regalo niya sa akin.

"Uncle, thank you ah? Excited na nga ko gamitin. Lalagyan ko ng mga dog stuffed toys sa likod."

"Dumating nga pala kahapon si Lena. Dala niya yung regalo nila ni Matthias sa iyo. Pupuntahan ko siya ngayon. Gusto mo ba sumama?"

"Wow naman, nag-abala pa yung dalawa na yun. Wag na Uncle Syl, date niyo ni Lena yun. Ok lang ako, magshoshopping lang ako. Excited na ko sa mga damit ko pagpasok sa work tapos derecho na ko agad sa bahay."

"Eto na pala ang boyfriend mo, sinusundo ka na, may kasabay ka umuwi. Paano, iwan na muna kita. Kanina pa ko hinihintay ni Lena," sabay yakap sa akin ni Uncle Syl at umalis.


Simula nang maging tao na din si Uncle Syl, nawala ang pagiging seryoso niya sa buhay. And I am happy din na naging sila ni Lena finally. At least may love life na si Uncle Syl.


"Congratulations. Flowers for you," sabi ni Sage na nagbigay sa akin ng isang bouquet ng light pink roses.

"Salamat, bakit ka nga pala andito?"

"Graduation mo di ba? Napaka walang kwenta ko naman boyfriend kung di man lang kita pupuntahan sa graduation day mo."

"Sage, mag-usap nga tayo..." mahina kong sabi sa kanya sabay hila sa kanya palayo sa mga tao.

"Saan mo ko dadalhin Rei? Bakit mo dinadala sa liblib na lugar? Pagsasamantalahan mo ba ko?" nakakaloko niyang tanong. 


Nakarating kami malapit sa chapel kung saan wala masyado pumupunta na tao.


"Akala ko ba malinaw na sa atin dalawa na break na nga tayo? Di ba wala ka naman maalala about sa akin? At hindi naman tayo official na couple. We are just friends," sabi ko kay Sage.

"Friends? Rei, you fucking kissed me yesterday! And now we are friends?"

"Sabi mo nga, di ba hindi mo ko type? Hindi mo nga alam kung bakit mo ko pinatulan di ba?"

"Well, you are a mystery to me, so I will keep you as my girlfriend."

"Puro ka mystery! Eh kung ayaw ko?"

"Ganyan ka ba talaga kaarte? And besides, may responsibility ka din sa akin at hindi mo ko matatakasan. Hindi na ko vampire, pero isa na uli akong Alagad ni Bathala."

"Siguro nga ikaw na ay Alagad ng Bathala at ako ang tagapagmana ng Punong Babaylan. Professional lang dapat ang relationship natin! Walang holding hands, walang kiss, walang ganun! Period!"

"Wala ka magagawa, dahil gusto kitang girlfriend sa ayaw at sa gusto mo! Akin ka lang okay?" sabi niya sabay halik na naman sa akin.


Balik na naman sa pagiging demanding si gago!


"Sage..." mahina kong sabi after ng aming passionate kiss.

"Rei, show me everyday how much you love me," bulong niya sa akin sabay halik sa noo ko.

"Assuming ka na naman. Paano mo naman nalaman na mahal kita? Wala naman ako sinasabi sayo," mahina kong sagot.

"I know it because I can feel it. Kahit di mo sabihin, kahit di mo aminin, kahit mag-inarte ka, alam ko mahal mo ko. Be my girlfriend again, Rei," he whispered as he kissed my nose.


Tumango lang ako. 

Mag-iinarte pa ba ko?


I just smiled at him as I kissed his lips. I love this man and there is no use na magdeny or mag-inarte dahil mahal ko talaga siya.

Somehow, kahit hindi sabihin ni Sage, I know that he loves me too. 


Sabi nga niya, I know it because I can feel it...



---The End Book 1---



Book 1 - Ang Boyfriend Kong Mummy na, Vampire pa

Book 2 - Ang Boyfriend Kong Supernatural Hunter

Book 3 - Ang Boyfriend Kong Demon King

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα