Chapter 20 - Mango

36.8K 1.2K 11
                                    

Weekend. Kababalik lang ni Uncle Syl from his business trip, pero I am sure na hindi normal trip yung pinuntahan niya dahil may konting traces ng blood ang ilang damit niya. May konting galos din siya sa mukha pero di na ko nagtanong pa.

Dahil sa mga nadiscover ko kay Sir Rusty at Sage, na-open ang utak ko sa mundo ng supernatural. I don't think na vampire si Uncle Syl dahil di naman siya nagtuturn into ash sa araw. Sabi ni Sir Rusty, si Sage lang daw ang may ganun na capability dahil isa siyang Alagad ni Bathala but lahat ng vampire, magbuburn sa sunlight.

"Reichel, may sasabihin ka ba? Kanina ka pa andyan sa likod ko," tanong ni Uncle Syl habang nagbabasa ng libro sa study room. Kung paano niya nalaman na andoon ako, hindi ko din alam. Baka may mata siya sa batok?

"Uhmmm Uncle. Nagluto ako Sinigang na Baka for lunch. May Indian mango din at bagoong. Di ba favorite mo yun?" sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"May kailangan ka ba?"

"Uncle, may visitor ako mamayang lunch. Ok lang ba?"

"Boyfriend mo ba yan?"

"Uhmm parang ganun na nga. Pero kung hindi pwede magpapunta dito ng boyfriend, ok lang uncle."

"Reichel, malaki ka na. Normal lang ang mag boyfriend. Sa totoo lang nagtataka nga ako kung bakit wala ka pinapakilala sa akin. Invite him over for lunch."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Uncle Syl. Akala ko pagagalitan niya ko dahil nagboyfriend ako ng walang paalam. Well, boyfriend ko si Sage pero di naman normal ang relationship namin. Para nga kaming prey at predator. Kaso ako ay isang willing na prey para sa kanya.

Pagdating ng tanghali, dumating na si Sage. Di ko alam kung bakit excited ako na ipapakilala ko na siya finally kay uncle. Somehow umaasa ako very slight na may chance na maging kami talaga for real.

"I missed you, babe," bati ni Sage sakin sabay yakap at halik sa leeg ko pagpasok namin sa loob gate.

Pwede naman niya ko halikan sa lips, pero bakit mas prefer niya sa leeg? Sabagay yung blood ko lang naman ang gusto niya.

"Wait. Baka makita tayo ni Uncle Syl. Baka sabihin niya ang landi landi ko."

"Ano kaya iisipin niya pag nalaman niya kung ano ginagawa ko sayo?" tanong niya sa akin. Minsan, dinadasal ko na halikan ako ni Sage, pero alam ko di mangyayari yung kasi nga, di niya ko type.

"Alam ko yang mga ngiting yan, Sage. Di pa ko kumakain, wala pa kong nutrients. Halika, pumasok ka muna sa loob. Nasa taas si Uncle Syl, tatawagin ko siya para makilala mo."

"As promised, may dala akong cake at ice cream. Oh ayan, enough na ba yan?"

"Aba, may balak ka talaga gawin akong dessert ngayon dahil may dala kang suhol? Wait mo muna ko dito sa living room. Lagay ko lang sa fridge tong cake at icecream."

Ano nga kaya iisipin ni Uncle Syl pag nalaman niya na ang boyfriend ko ay vampire?

Nakakaloka. Mas mabuting ilihim ko kay Uncle Syl ang mga gantong vampire hanash ng buhay ko.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon