Chapter 77 - Pork Chop

30.7K 821 7
                                    

Pagdating nga gabi, hindi na lumipat ng kwarto si Sage at natulog sa tabi ko, pero he never attempted to seduce me again. Siguro alam niya na hindi ako natutuwa sa mga ganung biro.

"Nasabi na ba Mateo sayo kung anong oras alis natin bukas?" tanong ni Lena pag pasok ko sa classroom.

"Anong meron bukas?"

"Girl bukas na tayo pupunta sa Switzerland. Asan lupalop ba isip mo? Wag mo sabihin na iniimagine mo yung mga lovemaking scenes niyo ni Sage kaya lutang ka na naman?"

"What? No!" deny to death kong sabi habang namumula mukha.

"Bad liar. Kitang kita ko sa mukha mo."

"Wala pang nangyayari samin ni Sage. Well, almost per wala."

"Are you talking about me again girls?" tanong ni Sage na umupo sa tabi kong desk.

"Hi Sage. I am just asking Reichel here kung naadvise ka na ni Mateo about sa plans bukas?"

"Yep. At ikaw Rei, dalin mo na mga gamit mo dahil after class derecho na tayo sa hangar."

"Yes, mahal na prinsipe," sabi ko as I rolled my eyes. Hindi pa rin ako makaget-over sa lakas ng trip niya kagabi.

"Ikaw pa galit niyan? Dapat nga ako magalit sayo sa ginawa mo sa akin?"

"Wait lang. Aalis na ko bago pa kayo mag LQ sa harap ko," sabi ni Lena sabay lipat niya sa desk niya.

Bago pa kami magkaroon ng next round ng quarrel ni Sage, dumating na ang professor namin. Pag dating ng uwian, si Sage ay sa amin pa rin tumuloy. May mga dala na din siyang gamit at mukhang sa amin na din balak mag stay.

"Anong oras dumadating yung mga body guards mo?" tanong ko kay Sage habang nagluluto ng porkchops with cream and herbs.

"Basta pag nagdilim, lilitaw na yang mga yan," sabay yakap niya sa akin.

"Dun ka nga. Pawis ako."

"Napaka sungit mo. Ikaw na nga nilalambing eh. Ano ba yan niluluto mo?" sabay halik niya sa leeg ko.

"Naalala mo yung kinain natin dun sa isang restaurant na gusto mo? Gusto ko gayahin kung kaya ko."

"Kahit naman ano basta luto mo ok na," sabi niya na nakayakap pa din sa akin.

"Sage, first time mo sa royal meeting. Are you sure this is the right thing to do? Ang harapin ang mga royal vampires?"

"Baka nakakalimutan mo, ako ay isang prinsipe noong unang panahon. I'm used to speaking in front of different people kahit mahirap or datu pa yan."

"Just be careful. Alam ko magkasama tayo but please don't make any drastic decisions. We don't know them."

"Just stay beside me and I will be fine,"sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Aww ang sweet naman!" tili ni Chini na nakapasok na pala sa loob ng bahay. Sabagay, binigyan ko na din naman sila ng access.

"Oo nga nakakakilig!" dagdag ni Kira. Si Shen naman ay nakasunod lang at walang reaksyon.

"Paano kayo nakapasok?" gulat na tanong ni Sage.

"Hey, ako nagbigay sa kanila ng access. Ganun din naman, makakapasok din naman sila kahit ano gawin ko," paliwanag ko kay Sage.

"I'm going to Switzerland tomorrow. I'm sure Aqui already briefed the three of you," tanong ni Sage sa tatlong powerpuff girls ni Master Aqui.

"Yes, your Highness. We will meet you in St. Moritz. I will officially escort Master Aqui," proud na sabi ni Shen.

"Kumain muna kayo. Nagluto ako for the five of us. May dessert sa fridge."

"Wow bait naman ni Madam Reichel. Libre na Wi-Fi, libre kain pa," sabi ni Chini.

"Sige lang, wag kayo mahiya. Shen kumain ka din."

"Thank you Madam Reichel," seryoso na sabi ni Shen at nginitian ko lang siya.


After our classes, niyaya na ko ni Lena sa parking lot dala ang aming mga baggage. Sandali pa ay dumating na ang isang shiny black limousine na magdadala sa amin sa airport.

"Yung totoo? Limousine?" tanong ko kay Lena sabay pasok sa loob ng sasakyan.

"Mateo is a man of sophistication. Kulang na lang maglatag ng red carpet pag dadaan siya," sabi ni Lena. Si Sage naman at si Matt ay mabilis na sumunod sa amin.

"Sage, nakapagbooked ka na ba ng flights natin? Di ba expensive pag same day ang flight?" tanong ko kay Sage na tahimik na nakatingin sa labas, pero hindi niya ko sinagot. Ano na naman kayang nasa trip nito at suplado mode na naman?

"Reichel, we will be using my private plane," nakangiting sagot ni Matt.

"Limousine tapos ngayon private plane? Matt, yung totoo? Pang ilan ba ranking mo sa Richest Men in the world sa Forbes magazine?"

Nakalimutan ko nga pala na private plane ni Matt ang gagamitin namin. Nakalimutan ko na super rich vampire nga pala ang kaharap ko.

"I am not included in that list. Sa totoo lang, I am living a private life, I always live in the shadows. Ngayon nga lang ako lumabas ng madalas."

"Ngayon lang kasi narealize ni Mateo na kahit immortal vampire siya, may chance na mamatay siya anytime kung may mangyayaring masama kay Prinsipe Isagani. Anyway, anong kulay ng gown mo?" tanong ni Lena sa akin.

"Gown? Wala akong gown. Puro winter clothes lang dala ko saka shirts and pants."

"Sage, you didn't tell her?" tanong ni Lena kay Sage na parang naiinis pero tinaas niya lang balikat niya as if walang pakialam.

"Bakit kailangan ng gown? Di ba may royal meeting lang naman?"

"Reichel, a royal meeting is not called royal because it is an ordinary meeting. Most of the time, it is a feast or a party, a celebration kumbaga. This event is happening for centuries already. Parang isang mardi gras and masquerade theme party."

"Parang party party ng mga royal vampires at mga highest circles of the vampire society?"

"Parang ganun na nga. It is a gathering of the most elite members of the vampire world. Believe me, royal vampires are into this kind of shit."

"Eh bakit yung last na royal meeting, walang party?"

"Kapag seryoso ang pag-uusapan or business matters, only the royal vampires and their most trusted men are allowed to join the meeting. No party at all, meeting lang talaga."

"I don't get it Lena, hindi ba seryosong usapan ang pagpatay sa mga vampires? Bakit gusto nila magparty sa gantong panahon pa?"

"Sa tingin ko, the royal vampires and the higher echelon think that their existence are endangered and they may not last long in this world because of what's happening. After the party, all of the guests are required to go out of the headquarters. At midnight, the true royal meeting will happen."

"Ayun naman pala. I guess I have to wait outside the headquarters with Sage habang hinihintay ang royal meeting."

"What? No! Are you kidding me? You have to join the party! Sage, please?" nagmamakaawang sabi ni Lena at mabilis lang tumango si Sage.

"Wait lang Lena, wala ako gown. Di ako prepared sa mga ganyang kalokohan. Pass muna ako."

"Sage oh? Nag-iinarte si Reichel, tulungan mo naman ako!"

"Lena, di ako nag-iinarte. Hindi lang talaga ko prepared sa mga ganyan. You can ask Sage, wala ako baon na gown or crystal shoes.

Tumango lang ulit si Sage kay Lena at pumikit. Antok ba siya? Kanina pa siya silent mode eh.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now