Prologue

19.8K 435 16
                                    

Prologue – Touch Her and You'll be Dead

Reeam

Katatapos ko lang iparada ang kotse ko, bumaba ako mula rito at siniguradong naka-lock ang mga pinto nito't naka-park 'to ng maayos. Saka ako nagsimulang maglakad papasok sa school. As expected, pinagtitinginan ako. Hinayaan ko na lang kahit nagbitiw ako ng statement noong orientation last month na ituring ako dito bilang isang normal na estudyante at hindi bilang owner ng school na'to.

"HAHAHAHAHA! Loser ka pa rin hanggang ngayon!"

"Oo nga! Walang pinagbago!"

"HAHAHAHAHA!"

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin marunong lumaban?! Ano ba naman 'yan!"

"HAHAHAHAHA!"

Na-curious ako kung saan nanggagaling ang ingay na 'yon. Kaya imbis na dumiretso sa paglalakad ay kumanan ako, doon kasi nanggagaling ang ingay.

*PAK*

"HAHAHAHAHA! Bakat na bakat 'yong kamay mo sa mukha niya!"

"Sensitive pala ang balat mo?! HAHAHAHAHA!"

What the actual fuck?

Agad akong tumakbo at sinalo ang kamao niyang tatama sa mukha ng babaeng nasa likod ko ngayon. Kalalaking tao nito, pumapatol sa babae.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" walang emosyon kong sabi, habang hawak pa rin ang kamao niya.

"Huwag kang mangialam dito!" maangas na sagot nito.

This fucking guy.

Kahit ngayon pa lamang ako nakatungtong sa branch ng eskwelahan na 'to, kilala ko na ang lalaking 'to.

Agad nitong inialis ang kamao niya sa kamay ko at bumwelo upang sapakin ako.

*PAK*

Pero bago pa niya magawa 'yon ay inunahan ko na siya. Kaya sumalampak siya sa sahig.

Kinuwelyuhan ko 'to at sapilitan kong itinayo. Pagkatayo ay sinapak ko ulit dahilan para sumalampak na naman siya sa sahig. Maka-ilang beses ko pa muling ginawa 'yon bago ako tumigil at sinamaan siya ng tingin.

Maga na ang mukha niya pero nagawa pa akong ngisian. Sa asar ko ay kinuwelyuhan ko muli ito at itinayo.

"Masyado naman yatang mainit ang ulo mo, young master?" ngingisi-ngising sabi nito.

Sa sobrang gigil ko ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kwelyo niya at sinabing...

"Touch her, and you'll be dead,"

ayemsiryus

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now