Chapter 37

2.3K 87 2
                                    

Chapter 37 – Their Sweet Death

Reeam (Nique)

"I suggest na magpahinga ka pa. Ano ka ba naman?" napabuntong-hininga ako sa inis nang ulitin na naman ni Troxi ang mga salitang 'yan.

Ilang beses na ba niyang inulit 'yan? I don't know. Humigit-kumulang isang daang beses na yata! Okay, ang exaggerated na pero ganoon kasi ang pakiramdam ko. Kanina pa ako naririndi sa kaniya. Magmula nang magising ako, magmula nang sabihin kong magsisimula na akong kumilos sa paghahanap kay Ciel, hindi na siya tumigil.

Ciel.

At parang may kumirot naman sa dibdib ko nang maisip ko siya. Tatlong araw... tatlong araw na siyang wala sa tabi ko at hindi ko alam kung paano ko pa malalampasan ang mga susunod na araw na wala siya.

"Dominique!"

"Troxi, pwede ba?!" singhal ko. Napatayo ako mula sa sofa at hinarap siya. "Intindihin mo ako. Parang awa mo na," naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko nang banggitin ko ang mga salitang 'yan.

Sa loob ng tatlong araw ay tulog ako. Kanina lang ako nagising magmula nang dalhin ako dito ng mga Funiel at ni Marrette para gamutin. Nandito kami ngayon sa bahay ni Leeam, dahil dito mayroong mga gamit. Si Leeam ay hindi pa gumigising hanggang ngayon, pero alam kong ayos lang siya. Ako naman ay mayroon pa ring mga sugat at galos. Hindi pa rin tuluyang naghihilom ang mga tama ko dala ng baril.

"At intindihin mo rin sana ako. Hindi ka pa ayos! Magpahinga ka pa. Kahit bukas ka na sana magsimula sa paghahanap sa kaniya. Tutulungan ka namin," pilit niyang pinapahinahon ang sarili niya sa pagsasalita. Nakikita ko rin sa mga mata niya ang sinseridad pero sadyang hindi ko na maaatim na magpalipas pa ng isang buong araw na walang ginagawa para kay Ciel. Hindi ko na kaya pang tiisin na wala siya sa akin.

Hindi ko na kaya.

"Bilang Head ng PENTA, inuutusan kitang hayaan ako sa kung anuman ang gusto kong gawin," madiin na sabi ko. Nakita kong natigilan siya. Ako man ay bahagyang natigilan dahil hindi ko naisip na aabot pa ako sa puntong gagamitin ko na ang kapangyarihan ko para hayaan niya ako.

Nakita kong napailing siya at namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Ang hanapin si Ciel, 'yon lang ang nasa isip ko ngayon. Wala nang iba pa. Bawat segundong pumapatak na wala siya sa tabi ko, kasabay non ang hindi magagandang imahe na naglalaro sa isipan ko. Imahe na naglalaman ng kung anuman ang lagay niya ngayon, kung nasaan siya, kung anong ginagawa sa kaniya ni Danica. Hindi ko na alam. Para akong masisiraan ng bait. Bawat segundong pumapatak na wala siya sa akin, kasabay non ang matinding panghihina ko.

"Bilang mas nakatatanda sa'yo, inuutusan din kitang pumirmi at magpahinga dito sa bahay," madiin ding sambit niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Troxi naman!" singhal ko.

"Mahirap ba 'yong hinihiling ko, Dominique?!"

"Mahirap rin ba akong intindihin?" lumalabo na siya sa paningin ko dahil unti-unti nang sinasakop ng mga luha ang mata ko.

"Hindi ka pa ayos. Hindi pa nga rin humuhupa 'yong gulo na nangyari sa eskwelahan mo, pati 'yong gulo sa highway kung saan tayo nakipaghabulan sa mga taong kumuha sa girlfriend mo! Kaya nga wala dito si Marrette, e. Para asikasuhin ang mga gulong 'yon!"

"So, anong gusto mong gawin ko?! Ang tumunganga dito?!"

"Ang magpahinga! Magpahinga ka!"

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko na kailangan ng pahinga! Ayos na ako, Troxi! Ayos na ayos na ako!" lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Please, maniwala ka naman sa akin. Ayos na ako, Troxi. Please, kailangan ko na siyang hanapin," napatigil ako sa pagsasalita dahil unti-unti nang bumagsak ang mga luha ko. "P-para na akong mababaliw—hindi... nababaliw na talaga ako. Parang awa mo naman na—," naputol ang sinasabi ko nang bigla niya akong niyakap at nang maramdaman ko ang dahan-dahang paghagod niya sa likod ko, mas napaiyak ako habang nakasubsob sa balikat niya.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now