Author's Note

5.1K 117 29
                                    

Author's Note – ayemsiryus (zeranjane leonde)

Sa wakas! Natapos ko na rin ang Touch Her and You'll be Dead na siyang unang libro ko dito sa Wattpad. Pinilit ko na siyang tapusin dahil ayaw ko nang paabutin pa ng dalawang taon ang istoryang 'to. Saka may plano na akong isulat para sa taong 2019!

Ang Book II ng istoryang 'to! Yes, hindi kayo nagkakamali ng basa. Hindi pa tapos ang kwentong ito. Marami-rami pa silang pagdadaanan at lahat 'yan ay masusubaybayan niyo sa History Repeats Itself, ang pamagat ng ikalawang libro.

Ipa-publish ko ang Book II next year. Mag-iipon muna ako ng mga draft at ideya ngayong darating na Christmas vacation. Saka hindi pa kasi ako nakaka-move on sa pagkamatay ni Marrette. Ayaw ko mang gawin pero kailangan. Gustuhin ko mang baguhin ang takbo ng istorya, masisira naman ang mga plano ko.

Lahat ng mga katanungan at hindi pa nare-resolbang isyu dito sa Book I ay masasagot at matatalakay sa Book II.

Ano pang ibang dapat abangan sa History Repeats Itself?

1. Ano ang naging epekto ng pagkamatay ni Marrette sa lahat ng taong nasa paligid niya?
2. Ano ang mangyayari sa pagitan nina Nique at Laquian?
3. Ano ang gagawin ni Ciel sa kaniyang kasintahan at kakambal?
4. Ano ang gagawin ni Leeam sa babaeng gumugulo sa isip niya—Laquian, at sa kaniyang kakambal?
5. Ano ang kwento ng isang Criztina Laquian Velmon?

At marami pang iba!

Salamat sa pagbabasa, pagsuporta at pagtangkilik sa Touch Her and You'll be Dead!

Hanggang sa susunod na libro... paalam!

ayemsiryus

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now