Chapter 7

5.5K 155 0
                                    

Chapter 7 – Her Smile

Criza

Nandito ako ngayon sa school garden. Naghihintay lang ng oras para makauwi na. Cut ang classes by 3:00pm dahil mamayang gabi na ang Acquaintance Party. Gusto ng may-ari ng school, I mean ni Reeam, na magkaroon ng sapat na oras ang students para makapag-ayos.

Isang linggo na ang nakalipas noong magbigay ng order si Reeam sa students niya tungkol sa kaso ko. Simula non, maayos na ang naging takbo ng buhay ko dito sa school. Pero, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari ng gabing 'yon na hanggang ngayon ay hindi pa malinaw sa akin kung totoo nga bang nangyari. Ang naaalala ko lang ay ang boses ng taong kilalang-kilala ko bago ako mawalan ng malay.

Si Francis Reyes.

Matapos non ay nagising na lang ako na nasa kwarto na ako, ang sakit ng ulo ko at umaga na. Ngayon iniisip ko tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari sa park. Nang tanungin ko ang mga magulang ko, wala silang alam sa sinasabi ko. Pero si Manang Elma, pakiramdam ko may tinatago noong siya ang tinanong ko.

Kahit nagtataka, pinili ko na lang ipagsawalang-bahala ang bagay na 'yon. Lalo pa't pagpasok ko ng araw na 'yon, wala akong nakitang bakas ni Francis Reyes. Wala akong magiging basehan kung totoo ang nangyaring 'yon dahil hindi ko mao-obserbahan ang mga ikinikilos niya.

Natigil ang pag-iisip ko nang umilaw ang cellphone ko.

Receive Message
From: Reeam
Susunduin kita mamaya. 6:45pm nasa tapat na ako ng bahay niyo. See you.
2:33pm

Makakalimutan ko bang siya ang date ko sa party mamaya? Syempre, hindi. Kasabay non ang hindi pagkalimot sa lungkot na nakita ko sa mga mata ni Marrette noong kailangan ko siyang tanggihan nang ayain niya ako na maging date niya.

Flashback.

"Criza!" napalingon agad ako pagkababa ko ng kotse.

"Marrette," nakangiting salubong ko sa kaniya. Nang magkalapit kami ay napansin kong hinihingal siya. "Saan ka galing? Bakit parang galing ka sa pagtakbo?"

"Ah, oo. Tumakbo kasi ako papunta dito,"

"Bakit naman?" biglang naging mailap ang mga mata niya.

"May... may itatanong sana ako sa'yo,"

"Shoot," sagot ko habang mataman siyang tinitingnan.

Maganda si Marrette, hindi ko maitatanggi 'yan. Ang una mong mapapansin sa kaniya ay ang mga mata niyang napakasayang tingnan. Parang laging kumikinang, at napaka-expressive. Hindi rin maikakaila ang lakas ng dating ng babaeng 'to kahit pareho sila ni Reeam na simple lang kung manamit.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now