Chapter 24

2.7K 79 4
                                    

Chapter 24 – The Feelings

Criza (Ciel)

"BAKIT HINDI PA RIN SIYA GUMIGISING?!" nagising ang diwa ko dahil sa sigaw ng taong 'to. Pero nananatiling nakapikit ang mga mata ko dahil parang pagod na pagod ang katawan ko, na kahit ang pagmulat ng mata ay hindi ko magawa.

"Kumalma ka—,"

"Kalma na naman?! Kagabi mo pa sinasabi ang bagay na 'yan, Leeam!"

"Reeam Dominique!" hindi na niya naiwasang magtaas na rin ng boses. Ang magkapatid pala ang nag-uusap ngayon sa—saan nga ba? Aish! Hindi ko alam, basta ang ingay nila at malapit lang sila sa kung nasaan man ako ngayon. "Oo, wala siyang tinamong sugat hindi katulad mo. Pero baka nakakalimutan mong hindi siya sanay sa pakikipaglaban? Naubos ang lakas niya, kaya intindihin mong ayos lang siya at nag-iipon lang siya ng lakas!" nagpapaintinding sambit ni Leeam. And in an instant, bumalik lahat sa alaala ko ang mga nangyari sa simbahan.

Anong nagawa ko?

Parang lalong napagod ang katawan ko, pero nagawa ko nang imulat ang mga mata ko. Agad na tumambad sa harap ko ang mukha ni Nique.

"Ciel! Ciel, kamusta ka? May masakit pa ba sa'yo? Ano?" ramdam ko ang pag-aalala niya. Pero hindi ko 'yon nagawang pansinin at mas pinili kong titigan na lang ang mukha niya.

Sino ka ba talaga, Nique?

Gusto kong isatinig ang mga salitang 'yan pero wala akong lakas. Nanghihina pa ako, hindi lang physically. Nanghihina ang sistema't pagkatao ko sa bawat eksenang pumapasok sa utak ko. Ang nangyaring labanan sa simbahan. Ang mga pagpatay na ginawa ni Nique. Lalo na ang... ang mga ginawa ko.

Paano ko nagawang pumatay?

Umupo ako at inilibot ang paningin sa lugar kung nasaan ako. Mukha 'tong hospital pero alam kong wala ako sa ganoong lugar.

"Nandito tayo sa bahay ni Leeam," narinig kong sambit ni Nique.

Paano niya nagagawang umarte ng normal sa harap ko? Nakalimutan na ba niya ang nangyari sa simbahan? Bakit wala akong nakikitang kahit anong bakas ng pagtatanong sa mga mata niya? Ibig sabihin ba non, normal lang para sa kaniya ang nangyaring 'yon?

"Dalawang araw ka ring nagpahinga, Ciel. Ako, kahapon pa lang ay nagising na ako," tinitigan ko siyang muli. Pinakikiramdaman ko siya, hinihintay kong magsalita siya ng kung ano tungkol sa pangyayaring 'yon, pero wala.

Wala akong napala.

"Pupunta dito si Marrette mamaya, kakamustahin ka niya. Ang daya nga, e, ikaw lang ang kakamustahin niya. Kaya ko naman daw kasi ang sarili ko," napanguso pa siya na parang batang nagtatampo, pero wala 'tong naging epekto sa akin. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa oras na 'to.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now