Chapter 31

2.4K 89 3
                                    

Chapter 31 – Her Suggestion

Third Person

"Young master, I am Lour Vlic," Muling pag-alingawngaw ng mga katagang ito sa isip ni Nique.

Nagulantang ang lahat sa ginawang pagbigay-galang ni Ciel sa sarili niyang kasintahan.

W-why did you do t-this?! Nagngangalit ang kalooban na sabi ni Nique sa kaniyang isip.

Walang nakagalaw. Kahit ang sub-reapers ay hindi malaman ang gagawin. Ilang minuto, ilang minutong nanatili sila sa kani-kanilang kinatatayuan. Tila napako na ang kanilang mga paa at hindi na nila magawa pang gumalaw.

Criza! Sa kanilang lahat, si Marrette ang unang nakabawi. Agad kumilos ang kaniyang katawan papunta kay Ciel. Pero laking gulat niya nang may humila sa kaniyang braso.

Nanlalalaki ang mga matang hinarap niya si Leeam. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa kaniyang braso, tila desididong pigilan siya sa paglapit kay Ciel.

"Let me go," madiin at mahina niyang sabi.

"Stay here," mahina ring sagot ni Leeam.

"Huwag mo akong diktahan, Leeam," nanggigigil niyang sabi.

"I said, stay here," nanlilisik na ang mata ng kaniyang kausap.

Nakipagtitigan din siya dito hanggang sa siya na rin ang sumuko.

Ano bang ginagawa ko? Frustrated na tanong niya sa kaniyang isip habang bumabalik sa kaniyang kinatatayuan.

"A-anong sabi mo?" napabalik ang tingin ni Marrette sa magkasintahan nang sa wakas ay magsalita na si Nique. "ANONG SINABI MO?!" napabalikwas ang lahat dahil sa pagdagundong ng boses ni Nique sa buong headquarters.

Ngunit kahit iba na ang emosyon na ipinapakita ni Nique ay hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakayuko si Ciel. Ito ang dahilan kung bakit mas lalong tumindi ang kaniyang nararamdaman.

Wala sa sariling hinila niya ang braso ni Ciel para magkaharap silang dalawa. Nanginginig ang mga kamay niya habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak niya rito.

"Anong sinabi mo?!" madiin, mahina at dahan-dahang ulit ni Nique. Hindi maitatangging wala siya ngayon sa kaniyang sarili. Ang dating mukha niya na walang makikitang emosyon, ay makikitaan ngayon. Galit, sakit, pagtataka at iba pa.

"N-Nique," nanlalalaki ang mata na nakatitig siya sa nanlilisik namang mata ng kaniyang kasintahan.

A-anong nangyayari sa kaniya? Takot na takot na sambit ni Ciel sa kaniyang isip. Tuliro at hindi malaman ang gagawin.

"SAGUTIN MO AKO!" napapitlag siya nang sumigaw mismo sa kaniyang mukha si Nique.

Stupid! Sa isip ni Marrette, at ngayon matagumpay na siyang nakaalpas kay Leeam at desididong pumagitna sa dalawa.

"MARRETTE!" sigaw ni Leeam pero huli na, dahil tuluyan nang nakalapit si Marrette sa magkasintahan.

"Bitiwan mo siya! Nasasaktan na si Criza!" buong lakas na itinulak niya si Nique papalayo sa babae. Matapos ay hinila niya ito papunta sa likod niya.

"M-Marrette," bulong ni Ciel sa kaniyang likod.

"Ssh, ako na ang bahala dito," sagot niya habang nakatingin lang ng diretso kay Nique na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa.

I don't understand you, Marrette. Sa isip ni Leeam habang inihahanda ang sarili sakali mang may mangyari sa pagitan ng magkaibigan.

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?! NASASAKTAN NA SIYA SA GINAGAWA MO! WHAT'S HAPPENING TO YOU?!" sigaw ni Marrette kay Nique.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon