Chapter 14

3.5K 121 6
                                    

Chapter 14 – Her Paradise

Criza (Ciel)

Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang pagkabagot. Maghapon na lang ba akong magmumukmok dito sa kwarto? Aish! Wala akong magawa! Sunday ngayon, ibig sabihin rest day ko. Sa loob ng ilang linggong pagte-training, masaya ako sa resulta. Napakarami kong natututunan na alam kong magagamit ko para protektahan ang sarili ko, lalo pa't lapitin talaga ako ng kapahamakan. Napapansin ko rin ang improvement sa built ng katawan ko na gawa ng araw-araw na pagte-training. Unti-unti nang naa-adapt ng katawan ko 'yon, hindi katulad noong mga unang araw. Para akong binugbog kada matatapos ang training! Sabi ni Nique, normal lang daw 'yon. Nabigla lang daw ang katawan ko dahil hindi nga sanay. And speaking of her...

"AHHHHH!" inis at frustrated na sigaw ko.

*KNOCK KNOCK*

"PRINCESS! ANONG NANGYAYARI SA'YO?!" narinig kong sigaw ni Manang mula sa labas ng pinto.

"W-WALA PO, MANANG! NAGPA-PRACTICE LANG PO AKO. MAY PLAY PO KASI KAMI SA SCHOOL!" ganting sigaw ko, pero syempre gawa-gawa ko lang 'yan. May dahilan talaga ako!

"SIGURADO KA BA?! O, SIGE! TINAKOT MO KAMING BATA KA, TAWAGIN MO NA LANG AKO KUNG MAY KAILANGAN KA, HA!" narinig ko pang sigaw niya.

"OPO, MANANG!" sagot ko naman, pero hindi ko na siya narinig pang sumagot.

So, ito na nga ang dahilan ng pagsigaw ko! Naalala ko na naman kasi si Nique! Badtrip ang babaeng 'yon! Dalawang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin! Noong Friday ang huling usap namin over the phone pa! Hindi ko siya nakita non sa school at miski sa training namin. Si Leeam at Marrette lang ang kasama ko, pati na rin kahapon, whole day ang training namin pero ni anino niya ay hindi ko rin nakita. 'Yong dalawa lang rin ang nakasama ko. Magpahanggang ngayon ay wala pa ring paramdam.Walang tawag, walang text. Ni ha, ni ho. Wala!

Okay, alam ko namang wala siyang obligasyon na magparamdam sa akin. Syempre, sino ba naman ako? Kababata niya? Childhood sweetheart? Kaibigan? Aish! Pero sana magparamdam pa rin siya, kasi nag-aalala ako. Although, sabi nina Leeam may importante lang daw na ginagawa. Hindi pa rin sapat 'yon!

Sino nga ba ako para kay Nique?

Bigla naman akong nalungkot sa naisip ko. At bakit ako malulungkot? May sasabihin ako sa inyo, isang malupit na sikreto! Aish! Nalulungkot ako kasi... kasi mayroon na siyang 'posisyon' sa buhay ko... sa puso ko. Alam kong ang bilis pero basta na lang naman dumarating 'yong pakiramdam na 'yon, e. At kailan ko lang tuluyang inamin sa sarili ko 'yon. Kailan lang natapos 'yong pagkalito ko. Ngayon sigurado na ako, si Nique ang gusto ko. Siya ang may hawak ng puso ko.

Kung tatanungin niyo si Marrette, kaibigan ko siya, at hanggang doon lang 'yon. Ayaw ko lang talagang nakikita siyang malungkot. 'Yong pagbilis ng tibok ng puso ko kada hawak niya ang kamay ko? Bago lang kasi sa akin ang magkaroon ng ganoong gesture mula sa ibang tao kaya parang na-o-overwhelm lang ako sa pakiramdam. But it has nothing to do with 'love'.

I didn't even try to stop myself from falling. Bakit pa? Mahirap kalaban ang puso. Kapag 'yan na ang nakaramdam at nagdikta, wala na tayong magagawa. Susundin mo 'to at mararamdaman mo kung paano maging tunay na masaya o pipigilan mo 'to at masasaktan ka. You choose.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon