Chapter 49

2.5K 67 7
                                    

Chapter 49 – Her Goodbye

Third Person

Hindi maintindihan nina Nique at Ciel ang gagawin nang bigla nalang silang palibutan ng magkahalong naka-itim at puting mga tao. Tila pinoprotektahan sila ng mga 'to at ginawang secure ang daan palabas sa arena. Walang ibang nagawa si Nique kung hindi ang hawakan ang kamay ng kasintahan habang inililibot ang mga mata.

Hanggang sa marinig nila ang sigaw ni Marrette. "UMALIS NA KAYO! NAGHIHINTAY ANG MGA FUNIEL SA LABAS!"

Walang pag-aatubiling hinila at inalalayan ni Nique ang kaniyang kasintahan palabas at nang tuluyan nilang maihakbang ang paa sa labas ng arena, doon nila narinig ang pagsisimula ng ingay sa loob. Pero hindi nagtangkang bumalik si Nique kahit pa 'yon ang gustong mangyari ni Ciel dahil may tiwala siya sa kakayahan ng kaniyang pamilya at dapat ring pagkatiwalaan sa mga oras na 'yon ang pamilya ng kaniyang kasintahan.

"Nasaan na ba sila?!" iritableng bulong ni Nique sa kaniyang sarili na inililibot ang paningin sa lugar upang hanapin ang mga Funiel. Pero hindi nila inaasahang bubungad sa kanila ang bulto ng kalaban na parang kanina pa nag-aabang sa kanilang paglabas.

"Shit, anong gagawin natin?" narinig niyang tanong ni Ciel at unti-unting niyang naramdaman ang pagkataranta nito.

"Walang ibang paraan kung hindi ang lumaban," iiling-iling na sagot niya. "May armas ka ba diyan?"

"W-wala," sagot ni Ciel na pilit nilalabanan ang kaba.

Agad kinuha ni Nique ang baril na nasa kaniyang binti. "Gamitin mo 'to,"

"P-paano ka?"

"Dala ko ang punyal ko," hinawakan niya sa magkabilang balikat si Ciel matapos ibigay dito ang baril. "Ciel, look at me," utos niya at agad namang sumunod ang kasintahan. "I want you to calm down. Isipin mo nalang, pagkatapos nito, maayos na ang lahat. Kaya gawin mo ang kaya mong gawin, okay?" masinsinang pagkausap niya kay Ciel.

Napalunok ito at unti-unti, nakita na ni Nique ang Reaper ng pamilyang Vlic. Sunod-sunod itong tumango, hanggang sa nawala ang kaba na bumabalot sa mukha nito at napalitan 'to ng tapang. Mararamdaman mo na rin mula dito ang pagiging handa sa kakaharaping laban. Kaya naman agad nakahinga ng maluwag si Nique dahil maitutuon din niya ang sarili sa pakikipaglaban at hindi niya masyadong aalalahanin ang kaniyang kasintahan.

"That's my girl," nakangiting sambit niya.

"Shut up," pigil ang ngiti naman na sagot ni Ciel.

"Hmm, pwede bang pagkatapos nito... ahm, ano," hindi mapakaling sambit ni Nique.

"A-ano?"

"P-pwedeng pa-kiss ulit?"

Natigilan si Ciel at nang makabawi ay nakatanggap ng hampas sa braso ang kaniyang kasintahan. "A-ano ba 'yang pinagsasasabi mo?!"

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now