Chapter 50

2.9K 71 2
                                    

Chapter 50 – Her Promise

Criza (Ciel)

Ngayon na ang huling araw ni Marrette kasama namin. Isang linggo na ang nakalilipas pero sariwa pa rin sa puso't isip namin ang lahat. Para 'tong bangungot na sinusundan kami kahit saan man kami magpunta. Nakatarak ang masamang pangyayaring 'yon sa puso namin, at walang nakakaalam kung may makahuhugot pa ba ng patalim na 'yon mula sa pagkakatarak nito.

"Hanggang ngayon, hinihiling kong panaginip pa rin ang lahat ng 'to," napalingon ako nang may magsalita mula sa gilid ko. Umupo siya sa tabi ko nang hindi tumitingin sa akin. "Hindi ko alam kung paano ko matatanggap ang pangyayaring 'to," mapait na dagdag niya.

Napaiwas ako ng tingin at tinitigan ang taong nasa harap namin. "Hindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan, Leeam," napabuntong-hininga ako't tiningnan siya. "Hindi ko alam kung sinong mas nahihirapan sa ating lahat. Ako ba na siyang dapat nasa lugar ni Marrette, ikaw na walang nagawa sa kabila ng kaalaman mo sa medisina, o siya," tumigil ako't muling tiningnan ang taong 'yon. "...na siyang pinakamalapit kay Marrette sa ating lahat,"

Natahimik kami pareho at itinuon ang atensyon sa taong nakaupo sa harap ng dagat habang yakap-yakap ang itim na urn kung saan nakalagay ang abo ni Marrette.

Oo, pina-cremate ng pamilya Imperio ang mga labi ni Marrette dahil 'yon ang kagustuhan niya. Kahit ang urn kung saan nakalagay ang kaniyang abo ay siya mismo ang nagdisenyo. Itim ito na mayroong gintong mga linya na bumubuo ng mga nota, isang gitara at mikropono; mga bagay na nagpapakilala kay Marrette bilang isang tao na alagad ng musika.

Tumayo ako't tumabi sa kaniya. Humarap rin ako sa dagat at tinitigan ang kapayapaan non. Nandito kami ngayon sa rest house niya, kung saan niya ako unang dinala. Dito niya gustong mangyari ang kagustuhan o hiling ni Marrette.

"Nique," pagtawag ko sa kaniya. "I'm sorry,"

"Para saan?" sagot niya pagkaraan ng ilang minuto.

"Dahil sa akin kaya siya n-nawala," may pag-aalinlangang sagot ko.

"No," agad na sambit niya. "A-ako ang dahilan kaya niya ginawa 'yon," napatingin ako sa kaniya nang biglang gumaralgal ang kaniyang boses. "G-ginawa niya 'yon para sa akin... para sumaya ako," nangilid ang mga luha ko nang makitang umiiyak na naman siya habang nakatingin at mahigpit ang yakap sa urn ng bestfriend niya. "D-dahil sa lintik na nararamdaman niya para sa akin, 'yong kasiyahan ko pa ang... ang i-inuna niya,"

Oo, alam ko na ang tungkol doon. Si Leeam ang nagpaliwanag sa akin ng ginawa ni Marrette nang gabing 'yon. Kung bakit mas pinili niyang takbuhin ako, mahigpit na yakapin at saluhin ang balang para sa akin. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang mga bisig niya sa katawan ko. Ramdam ko pa rin 'yong higpit ng yakap niya para lang maprotektahan ako. At ayaw kong mawala sa isip at puso ko ang pakiramdam na 'yon dahil kahit kailan hindi na 'yon mauulit.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now