Chapter 40

2.4K 81 3
                                    

Chapter 40 – Her Confession

Leeam

Flashback.

"Where is she?!" agad na tanong ko kay Laquian pagdating ko sa mansyon ng mga Velmon.

Tinawagan niya ako para sabihing nandito sa kanila si Reeam. Gusto niyang sunduin ko ang kakambal ko kaya agad akong nagpunta. Gusto ko ring malaman ang nangyari kung bakit nga ba siya nandito. Kaya agad na akong pumunta nang malaman ko ang bagay na 'to.

Napansin kong tulalang nakatingin sa akin ang babaeng 'to. Nandito palang kami sa labas ng bahay dahil pagdating ko, nadatnan ko siya dito na tila hinihintay ako.

"Laquian, I said where is she?" tanong ko ulit at dahil doon ay tila natauhan na siya.

"N-nasa loob siya," tumango ako't maglalakad na sana papasok sa bahay nila. Kaso bigla niya akong hinawakan sa braso at muling iniharap sa kaniya. "K-kamusta ka na?" nangunot ang noo ko at sinalubong ang nag-aalala niyang mga mata dahilan para mailang siya. "N-nabalitaan ko ang nangyari. Alam ko ang nangyari sa inyo... sa'yo. Kaya tinatanong ko kung kamusta ka na?"

Napahinga ako ng malalim bago tipid na ngumiti. "Laquian, I'm fine. Ayos na ako. Naka-recover na rin naman ako sa nangyari," hinawakan ko ang kamay niyang nasa braso ko at unti-unti ko 'tong ipinagsalikop kasama ang kamay ko. "Nag-aalala ka sa akin?" malayo ang tinging tanong ko. Ayaw kong makita ang reaksyon niya. Medyo naglakas-loob lang naman ako na tanungin 'yon, e.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now