Chapter 9

5K 136 4
                                    

Chapter 9 – Her Job

Criza (Ciel)

"Good morning, Mom," nakangiting bati ko sa magandang Mom ko pagdating ko dito sa garden ng bahay.

"Good morning, Princess. Why are you so early?" saka niya ako pinaupo sa upuang nasa tabi niya.

Gusto ko sanang isagot sa kaniya na kaya ako maaga dahil hindi pa naman talaga ako nakakatulog. Alright, ako na ang nagpuyat. Pero hindi naman 'yon intentionally kong ginawa, sadyang hindi lang ako makatulog. Paidlip-idlip lang ako pero pakiramdam ko gising ang diwa ko buong gabi kaya para sa akin wala akong itinulog.

"You know, Mom, body clock. Nasanay na po akong gumising ng maaga kaya heto," sagot ko na lang. Well, that's partly true.

"You look like a panda, Princess," nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Mom. "I think from now on, I should start calling you Panda instead of Princess," natatawang sabi pa niya kaya napanguso ako.

"Mom, you're so mean," nagtatampo kunwaring sabi ko.

Naiintindihan ko naman ang sinabi ni Mom. Ano pa bang aasahan mo sa taong walang tulog? Syempre, eyebags! At 'yan ang mayroon ako ngayon.

"I'm just kidding, Princess. But care to tell me why do you look like that? Parang wala kang tulog? I mean, wala ka talagang tulog," natatawa pa ring sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Bakit nga ba ako napuyat? Simple lang ang sagot, ACQUAINTANCE PARTY. I mean, lahat ng nangyari sa party na 'yan. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko bawat eksena kagabi. Oo, kagabi lang! Walang morning classes ngayong araw para magkaroon ng pahinga ang students. Pero mamayang hapon ay may klase na, na balak kong hindi na rin pasukan dahil hindi ko pa yata kayang harapin 'yong dalawa. Sino pa ba? Si Nique at Marrette.

Damn. Kagabi ko lang kasi napag-isip-isip ang lahat. Pero hindi ko naman magawang paniwalaan ang conclusion ko.

"Princess!" natauhan ako nang bigla akong tawagin ni Mom.

"Y-yes, Mom?"

"What's bothering you? Kanina pa kaya ako salita ng salita dito pero hindi ka naman kumikibo," bakas ang pag-aalala sa boses ni Mom kaya napabuntong-hininga ako.

"Mom, may itatanong po ako sa inyo," tumango naman siya na parang sinasabi niyang 'sige lang, magtanong ka lang'.

Hindi naman siguro masamang kumonsulta sa magulang, 'di ba? In fact, they always say that mother knows best.

"Paano niyo po malalaman kung... kung may gusto sa inyo ang isang tao?" napapikit pa ako habang tinatanong 'yan pero agad din akong napamulat nang may marinig akong pagtawa. "Mom! Bakit po kayo tumatawa? Tinatawanan niyo po ako, no?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"No, it's not like that, Princess. Natatawa lang ako sa kainosentehan mo," napangiwi ako nang bigla niyang kurutin ang pisngi ko. Ginawa pa akong bata! "So, 'yan ang pinoproblema mo?"

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now