Chapter 23

3K 94 2
                                    

Chapter 23 – The Hacker

Marrette

Nandito ako sa living room ng bahay ni Leeam. Lumabas ako sa Healer's Place dahil ayaw kong manood sa ginagawa nila. Wala rin naman akong maitutulong doon.

Isa pang dahilan, para makapag-isip ako. Hawak ko ngayon ang badge na iniabot ni Reeam kanina bago siya mawalan ng malay. Pamilyar kasi 'to at nakakapanghinala naman na kung sinuman ang nag-utos sa mga taong 'yon na gawin ang nangyari kanina, dapat hindi siya mag-iiwan ng kahit na anong bagay na pwedeng maging pagkakakilanlan niya.

That's a stupid move.

Ibinalik ko na 'to sa bulsa ko at huminga ng malalim. Papunta na sana ako sa Healer's Place para magpaalam kay Leeam na aalis na ako nang makasalubong ko si Laquian.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Uuwi na," napatingin ako sa dala niyang handy suitcase. "So... bye," maglalakad na sana siya palampas sa akin pero muli ko siyang tinawag.

"Paano mo nalaman ang sitwasyon ni Criza?" seryosong tanong ko. Kanina pa kasi ako nagtataka na bigla na lang sumulpot ang isang 'to.

"N-nakita ko sa... sa balita ang nangyari sa simbahan, at alam ko na doon ang punta niya kanina. Kaya agad akong pumunta doon. Pagkarating ko, nakita ko kayong papasok na sa kotse. Lalapitan ko sana kayo nang bigla namang paandarin ng kaibigan mo, kaya wala akong choice kung hindi sundan na lang kayo," malamig na sagot niya. Tumango-tango ako at hinayaan na siyang umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pinto.

Bakit hindi man lang ako naniwala sa sinabi niya?

Iiling-iling na pumihit ako patalikod para ipagpatuloy ang pagpunta kay Leeam, pero natigil na naman ako nang siya na mismo ang nakasalubong ko.

"Hey—," pero nilampasan lang ako nito at dumiretso sa kusina. Kaya sumunod na rin ako doon. Naabutan ko siyang umiinom ng tubig at parang kinakabahan. "May problema ba?" tanong ko.

"Wala... wala naman,"

"Kamusta sila?" patungkol ko sa dalawa.

"Nagamot na lahat ng sugat na natamo nila, hintayin na lang natin ang paggising nila. Kailangan nila ng pahinga dahil napagod sila ng sobra," tumango lang ako sa sinabi niya, pero napakunot ako ng noo nang makita kong maghilamos siya at ilang beses na huminga ng malalim.

"'Yong totoo, anong problema mo?"

"Wala, may sasabihin ka ba?" imbis na sagutin ang tanong ko, tinanong pa ako. Tinitigan ko lang siya ng mabuti. Hindi naman siya ganiyan kanina. Iniwan ko lang sila ni Laq—huwag mo sabihing...

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu