Chapter 28

2.6K 81 1
                                    

Chapter 28 - The Ten Questions

Criza (Ciel)

"Ang ganda talaga dito," sambit ko at sumimsim sa inumin kong hot chocolate.

"Masaya ako na nagustuhan mo dito," sagot niya.

Nandito kami ngayon sa balkonahe ng treehouse namin. Nagpapahinga dahil napagod kami sa maghapong paglalakad at food tripping sa tatlong treehouse restaurant dito sa hotel.

Nagpa-deliver kami dito ng hot chocolate, tapos ito na nga. Ninanamnam ang kapayapaan ng gabi. Nilalasap ang malamig na simoy ng hangin. Naghihintay na dalawin ng antok. Sa gitna ng katahimikan ay naka-isip ako ng magandang pag-usapan.

"Since, kahapon pinagod mo ako sa basketball... maglaro tayo ngayon," aya ko sa kaniya.

"Anong laro?" iniharap niya sa akin ang upuan niya, kaya ganoon rin ang ginawa ko. Nasa pagitan pa rin namin ang coffee table.

"Question game. Pero ten questions lang, at ako lahat magbibigay ng tanong,"

"Game,"

"Kada bigay ko ng tanong, mauuna kang sumagot then ako. Okay?"

"Okay," tatango-tangong sagot niya.

"Alright, question number one. What is your biggest fear?" tanong ko, at hinintay ang magiging sagot niya.

"Dati... ang pinakakinakatakot ko sa lahat ay 'yong idea na baka hindi na kita mahanap. Alam mo 'yong pakiramdam na noong nawala ka sa akin, parang nawala rin 'yong other half ko? Kasi hindi ako kumpleto. Hindi ko na naramdamang kumpleto ako. And since ikaw ang other half ko, for me to be happy and complete, I need to find you," tumigil siya saglit at tinitigan ako. "At ngayong nandito ka na sa akin, bumalik ka, nahanap kita. Kasama na ulit kita. Ang kinakatakot ko na ngayon ay 'yong idea na baka isang araw... mawala ka sa akin," nailing naman ako na parang sinasabi kong hindi mangyayari 'yon. "Don't worry, hindi ko rin hahayaang mangyari 'yon," nakangiting dagdag niya, at sinenyasan ako na ako naman ang sumagot.

"Biggest fear ko, 'yong maiwanan at mawalan. Nagsimula 'to noong mawala ka sa akin. Oo, alam kong bata pa ako noon, bata pa tayo noon. Pero iba kasi talaga 'yong feeling noong nagkalayo tayo. Tapos masyado na akong naging hopeless. Dahil ang tagal na panahon na, pero hindi pa rin kita nakikita. Sumunod ay 'yong mawala ang Tita ko. Close ako ng sobra sa kaniya, kaya hindi ko talaga natanggap agad 'yong pagkawala niya. Pero sa pagdaan ng oras, tapos isang himala na nagkita tayo. Nakatulong 'yon sa akin. Pero hindi maipagkakailang masakit pa rin ang pagkawala ni Tita," napangiti ako ng mapait nang maalala na naman siya.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now