Chapter 22

2.7K 92 8
                                    

Chapter 22 – The Main Healers

Leeam

"Ikaw na ang bahala kay Criza, sumunod kayo sa kotse," sabi ko kay Marrette at binuhat na si Reeam.

"No, ako na ang magbubuhat kay Reeam," saka niya pilit kinuha mula sa braso ko ang kakambal ko at walang sali-salitang dumiretso papunta sa kotse ko. Napailing nalang ako dahil doon.

"Sub-reapers, alam niyo na ang gagawin niyo," instruct ko sa mga tauhan namin sa suot kong earpiece saka lumapit kay Criza.

"Copy, sir Domi!" narinig kong sagot nila.

"Hey, can you still walk? O bubuhatin na lang kita?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang tipid siyang ngumiti bago umiling.

"Kaya ko pa, huwag mo na akong buhatin," tumango na lang ako pero inalalayan ko pa rin siya. Pinaupo ko siya sa backseat kung saan nakaupo rin ang kakambal kong wala nang malay.

"Nasabihan mo na ba ang sub-reapers?" tanong ni Marrette.

"Yes," seryosong sagot ko.

"Good, tara na," saka siya pumasok sa passenger seat. Ako naman ay umikot na sa kabila dahil ako ang magmamaneho.

Panay ang tingin ko sa rearview mirror upang tingnan ang kakambal kong walang malay. Nasa tabi niya si Criza na kaunti na lang ay pipikit na rin.

"Magdahan-dahan ka sa pagmamaneho," pagkaraan ay sabi ni Marrette. Hindi ko napansing bumibilis na pala ang pagmamaneho ko. Muli akong sumulyap sa rearview mirror at nakita kong pareho na silang walang malay.

"I'm sorry, hindi ko kasi matagalan na ganiyan ang itsura ng kakambal ko. Pati na rin ang taong mahal niya na ibinilin niya sa akin," mahinang sagot ko.

"Nag-aalala rin ako, Leeam," napasulyap ako sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Kahit hindi niya sabihin 'yon, malalaman ko pa rin just by looking at her eyes. This is the thing with Marrette. You don't need to hear what she has to say, or what she feels because you'll immediately see it in her expressive eyes. "Nandito na si Laquian,"

Natigilan ako nang bigla niyang banggitin ang pangalan ng babaeng 'yon.

"So?" tanging nasabi ko dahil pumasok na naman siya sa isip ko.

"Hindi na pwedeng ikaw ang umasikaso kay Criza," napasulyap muli ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

I forgot about that thing.

"Noong time na nabugbog siya ng Seyer, okay lang na ikaw ang gumamot sa kaniya. Dahil wala dito ang healer niya, pero ngayon—,"

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now