Chapter 6

5.9K 181 15
                                    

Chapter 6 - The Dark Arena

Criza

"E-excuse us, I would like to have a word with Reeam. Just stay here, Criza," hindi na ako nakasagot nang bigla niyang hilahin si Reeam papasok sa isa pang pinto na nandito sa loob ng opisina niya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero pagkasara ng pinto ay agad akong lumapit dito at pinilit marinig kung anuman ang pag-uusapan nila. At hindi naman ako nabigo.

"What are you thinking, Reeam?!" sa tono ng pananalita ni Marrette, alam kong galit siya.

"Marrette,"

"Bakit ka nagbitiw ng ganoong klase ng mga salita?! Nasaan na ba ang utak mo, ha?!"

"I don't know,"

"What?! You're not thinking clearly!"

"Yeah, I guess you're right,"

"Reeam!"

"Marrette, I want to tell you something,"

"What is it?"

"Marrette... natatakot ako," pakiramdam ko buong pagkatao ko ay nayanig dahil sa sinabing 'yon ni Reeam.

Siya 'yong tipo ng tao na hindi mo basta-basta matatakot. She's strong and tough. Kung tutuusin nga, siya pa ang dapat katakutan. Like what I felt ealier, natakot talaga ako sa kaniya kanina pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko siya 'yong kinatatakutan ko na hindi ko kayang layuan o iwasan.

"Don't think about it for now, dude," mahinahon nang sabi ni Marrette.

Itinigil ko na ang pakikinig sa kanila at bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. Saktong pag-upo ko ay siyang paglabas din nila. Agad ngumiti sa akin si Marrette na tinanguan ko lang. Tell me, makakangiti pa ba ako sa lagay ko na 'to? Kung makakangiti pa, I guess this is not the right time.

Si Reeam ay tahimik pa rin pero wala na namang emosyon ang mukha niya, kahit ang mga mata niya ay blangko. Kahit ganoon ang ipinapakita niya, alam kong nag-iisip siya. Ng ano? 'Yon ang hindi ko alam. Mahirap siyang basahin hindi tulad ng ibang tao. Halimbawa, si Marrette. Halatang-halata na hindi siya mapakali at malalim rin ang iniisip niya. Kung anuman ang bumabagabag sa kanilang dalawa, sa tingin ko iisa lang 'yon.

At wala ako sa lugar para malaman 'yon.

Hindi pa nawawala sa isip ko ang huling sinabi ni Reeam kanina. Seriously, magmula nang makilala ko siya hindi na natahimik ang isip ko. Kailangan bang lagi siyang magbibigay sa akin ng mga salitang palaisipan at hindi ko lubos na naiintindihan? She's confusing the hell out of me.

Ano bang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang, 'kill me and then leave me'? Why would I do that to her? Unless-.

Binalikan ko ang mga pinag-usapan namin, particularly 'yong mga sinabi ko bago niya bitiwan ang mga salitang 'yon.

Natatandaan kong sinabi ko na ang mga mamamatay-tao ang huli sa listahan ng mga taong gusto kong makasama, ayaw kong maging katulad nila dahil oras na makaharap ko ang taong pumatay sa Tita ko, sinisigurado kong mapapatay ko siya-wait.

Nanlaki ang mata ko at natulala ako nang may pumasok na ideya sa isip ko. Sa mga oras na 'to, parang gusto kong hilingin na maging 'tanga' ako para mawala ang awtomatikong pag-a-analyze ng utak ko sa naging usapan namin kanina.

Again, why would I do that to her? Why would I kill and then leave her?

Unless she's the one who killed-.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now