Chapter 32

2.5K 81 16
                                    

Chapter 32 – Her Lies

Third Person

Nagmulat siya ng kaniyang mga mata kasabay rin nito ang pag-agos sa kaniyang isipan ng mga nangyari kinagabihan. Lahat ng kaniyang nalaman, narinig at nagawa. Tila isang pelikula na naka-fast forward.

Pagtingin niya sa kaniyang kamay, nakahawak doon ang taong naka-upo sa ibaba ng kamang hinihigaan niya.

"I love you... ako na ang bahala sa labang 'to, Ciel," muling pag-alingawngaw nito sa kaniyang isipan. Malinaw na malinaw niya 'tong narinig kagabi, habang siya'y nagpapanggap lamang na tulog. Nahihiya siyang harapin ang kaniyang kasintahan dahil sa kaniyang iniasta sa harap nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya, parang may bumulong sa kaniya na halikan kagabi si Nique. Matapos niyang masira ang tiwala nito, ganoon ang ginawa niya. Nakakahiyang bagay para sa kaniya.

"Gising ka na pala," natigil ang kaniyang pag-iisip nang marinig niya ang boses nito.

"Ahm... oo," halatang-halata na wala siyang masabi.

"Kanina ka pa ba gising? Bakit hindi mo ako ginising agad? Alam kong nagugutom ka na. Tara, doon na muna tayo sa bahay nang maipagluto kita," pag-anyaya nito habang tinutulungan siyang makatayo. "Masakit pa ba ang katawan mo?" dagdag na tanong pa nito.

"Hindi na gaano... kaya ko naman nang kumilos," at tinanguhan na lamang siya nito. "Nasaan ang kotse mo?" tanong ni Ciel pagkalabas nila ng elevator. Ang loob ng headquarters ay napakatahimik, at magulo rin. Mukhang wala pang nagtatangkang bumalik na sub-reapers.

"Nasa bahay ang isa, may kotse rin naman ako dito. Pero kailangan kong maiuwi ang big bike ko," paliwanag nito. Hindi na siya sumagot at pinagmasdan na lamang ang malaking motor na nasa harap niya. Hindi niya alam na may ganoon pala si Nique, katulad ng kotse nito na kulay abo, napakaangas din tingnan ng kaniyang big bike. Naghahalo ang kulay itim, puti at abo sa kabuuan nito. Hindi na 'to kataka-taka. Si Nique ay isang unique na babae, hindi bagay sa kaniya ang kulay pink na karaniwang paborito ng iba. "Sakay na," pag-anyaya nito na agad naman niyang sinunod. Buong byahe ay tahimik lang sila, parehong nagpapakiramdaman at parehong dinarama ang malamig na hanging humahampas sa kanilang mga balat habang bumabyahe sa katahimikan ng kalsada.

Nang makarating sa bahay ni Nique, agad nilang napansin ang isang pamilyar na kotse sa harap nito, na nasa likod naman ng kotse ni Ciel na iniwan nila kagabi. Agad silang bumaba at dumiretso sa nasabing sasakyan.

"Anong ginagawa mo dito, Ate?" tanong ni Nique sa kaniyang kapatid na siya palang lulan ng sasakyan.

"Ahm... to have a word? With you? The both of you?" sagot nito habang bumababa sa kaniyang kotse.

"A word, e?" si Nique.

"Yeah, a word. Marrette is coming, too," sagot nito.

"Kailangan nga nating mag-usap. Pumasok na tayo sa loob, sumabay ka na sa amin ni Nique na mag-almusal," sabat ni Ciel, saka naunang pumasok sa loob.

Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo kagabi, stupid plans. Sa isip ni Ciel.

I hope this will be a peaceful talk. Napapabuntong-hiningang turan ni Leeam sa kaniyang isip.

Pagkapasok ay dumiretso sila sa dining area. Naupo ang dalawa habang si Nique ay naghanda na para magluto.

"Pahiram ng cellular phone mo," sabi ni Ciel habang nakalahad ang kamay sa harap ni Leeam. Agad namang ibinigay ng huli ang hinihiram ng dalaga. "Tatawagan ko lang si Marrette," paalam niya saka pumunta sa living room.

BOOK I: Touch Her and You'll be Deadजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें