Chapter 47

1.9K 56 3
                                    

Chapter 47 – The First

Reeam (Nique)

"Buong araw kang nagkulong dito sa kwarto, wala ka bang plano?" itinakip ko ang unan sa tenga ko nang marinig ang nanenermon na boses na 'yan. "I'm talking to you!" singhal niya at pilit hinihila ang unan pero hinigpitan ko ang kapit dito. "You're acting like a child, Reeam Dominique!"

"Ano ba kasi 'yon?!" kunot-noong sambit ko nang tuluyan niyang maialis mula sa akin ang unan. "Para ka ring bata, Leeam Dominique!" pagbabalik ko sa sinabi niya.

"Hindi na kita papatulan pero uulitin ko ang tanong ko, wala ka bang plano?" tanong niya habang umuupo sa kama ko.

"Plano para saan ba, Ate?!" iritableng tanong ko rin sa kaniya at kinuha ang unan mula sa kamay niya saka 'to niyakap.

"Stupid!" singhal niya sabay batok sa ulo ko kaya tiningnan ko siya ng masama. "Ngayon ang huling araw ng annual competition!"

"E, ano naman? Anong pakialam ko kung huling araw na ng annual competition?!" pag-uulit ko sa sinabi niya.

"You're really stupid," hindi makapaniwalang sambit niya.

"Stop calling me stupid, Ate!" madiin na sagot ko.

"Wala ka bang naaalala?" biglang seryosong tanong niya. Napabuntong-hininga ako at tinitigan siya sa mata. "Sumagot ka, wala ka bang naaalala? Huling araw ng annual competition, ibig sabihin...?" binitin niya ang sasabihin na para bang dapat kong dugtungan 'yon.

Umiwas ako ng tingin bago sabihin ang gusto niyang marinig. "Ibig sabihin... laban namin ni Ciel mamaya," malungkot na sambit ko.

"Akala ko nakalimutan mo na, e,"

"Pwede ba naman 'yon? Kung walang oras na lumipas na hindi ko iniisip kung anong gagawin ko sa laban namin?"

"Ibig sabihin, wala ka ngang plano?"

Umiling ako. "Wala... hindi ko alam kung anong gagawin ko,"

"What happened to you?" puno ng pagtatakang tanong niya bago tumayo mula sa kama. "Kakausapin ka ni Dad, pumunta ka nalang sa office niya," habilin niya't tuluyang lumabas ng kwarto dahilan para maiwan akong tulala.

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadWhere stories live. Discover now