Prologue

16.6K 154 8
                                    

  May mga pangyayari talagang hindi natin aasahang darating sa buhay natin. Mahirap diktahan at mahirap hulaan kung ano ulit ang susunod na eksena sa bawat kabanata ng iyong sariling istorya.

Katulad nalang kapag nagmahal ka, kailangan mong tumaya at sumugal. Kaya rapat ay handa ka sa magiging resulta.

Ngunit bawat patakaran ay may pamumukod.

Hindi sa lahat ng sugal kailangang tumaya ka, hindi dahil may puhunan ay pupusta ka na lang ng basta-basta.

Ang tao ay ginawang may puso at utak. Parehong may lugar sa katawan, parehong may pakinabang. Kaya gamitin sila sa tamang paraan na kapag sumugal ka, hindi puro puso o puro utak lang ang puhunan. Dapat balanse, dahil konektado ang dalawa kaya ka gumagana. Hindi mo puwedeng gawin ang isang desisyon gamit ang puso lang o utak lang, because your heart and your mind are closely-linked organs of your body, and both these parts are essential for the overall function of the human life, to come up with a decision, and to live with virtue and excellency.

Sa mundo ng pag-ibig, hindi ito isang tipikal na sugal at pera lang ang nakataya, at bulsa mo lang ang mabubutas kapag natalo ka. Sa pagmamahal, puso mo ang nakapusta, at kapag pumalya ka, puso mo ang magdudusa. Kaya,  sapat ba ang nararamdaman mo para sumugal ka?

Llamado ba o dehado na?

Sa oras na sinimulan mo na ang laro, sikapin mo itong ipanalo dahil kung hindi ay babagsak ka sa iyong sariling pagkatalo.

"Do not just learn how to play the game. Ace it!"

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon