11. Baby Shark

2K 41 2
                                    




Halos mamawis na ang palad ko dahil simula pa kanina ay magkahawak ang aming mga kamay at hindi na napaghiwalay pa.

Tumingin ako sa magkasalikop naming mga palad.

Nililibot namin ang mga stalls dito sa loob. Hindi ako napapagod dahil malamig naman ang paligid. Airconditioned kasi ang indoor amusement park na ito kaya gustuhing puntahan.

Lumapit ako sa isang toy machine dahil naakit ako sa mga puting shark stuff toys na nakalagay sa loob ng salaming kahon.

Ang cute! Parang sobrang lambot ng mga ito na kapag niyakap mo ay masa-satisfy ka ng husto.

Hindi ko na napigilang tumakbo papunta roon at dahil nga magkahawak kami ng kamay ay nahila na rin siya at sumunod sa akin.

Shiit, those pink fins! Ang cu-cute talaga. Nanggigil pa ako at kunyari ay mapipisil ko sila kahit nahaharangan ng salamin.

"Baby," narinig kong bulong sa akin ni Gleizen.

Dahil sobrang natutuwa talaga ako sa nakikita at nagpipiyesta ang mga mata ko sa mga malalambot at matatabang pating ay hindi ko na napigilang mapakanta.

"Baby shark dududududu baby shark.." Sumayaw pa ako ng kaonti sa harap niya.

Natawa si Gleizen, iyong tawang-tawa talaga siya na akala mo isa akong malaking joke.

Dahil sa tuwa niya sa akin, ikukuha niya raw ako ng baby shark.

Bumili siya ng tokens para makuha namin ang stuff toy.  Habang palapit siya sa money changer machine ay kita kong parang tangang nakangisi pa siya.

Yung ngiti ni koya niyo parang napaaga ang pasko.

Pagbalik ay natatawa pa rin talaga siya na parang siya naman itong hindi makaget over ngayon. I must be so funny, huh?

Ngunit napawi ang mga tawa niya't halakhak nang ilang minuto na kami sa tapat ng machine pero wala pa ring nangyayari.

Singkwenta pirasong token na ang nauubos namin hindi niya pa rin nakukuha iyong stuff toy. Kanina pa kami narito at hindi na maganda ang timpla ni Gleizen. Hindi ko na gusto ang nangyayari!

Tuwing naitatapat iyong magga-grab sa laruan ay sobrang seryoso niya at focus na focus talaga. Halos hindi naman ako humihinga sa tuwing nabubuhat na iyong baby shark pero habang papalapit naman ito sa paghuhulugan niya ay bigla na niyang mabibitawan.

"Damn!"

Kulang nalang ay basagin ni Gleizen ang salamin ng toy machine kaya nag-aalala na ako. Kanina pa siya napapamura at hinahampas ito, halatang frustrated at badtrip na pero ayaw naman tigilan.

Napatingin agad ako sa paligid at nakahinga ng maluwag nang wala namang nakakita. Kinakabahan ako na natatawa at the same time. Baka mamaya damputin kami ng guard dito o ireklamo sa manager kapag may nakakita sa ginagawa niya.

Ito lang pala ang katapat ng isang Faulker.

Pero ayaw niya talagang paawat. Pagbigyan na natin. Pursigido talaga siya na kunin iyong stuff toy na gusto ko.

"Uh, Gleiz, you know it's okay kahit hindi mo na makuha iyan-"

"No." Suplado niya akong binalingan at naglagay ulit ng dalawang token sa machine. Sumubok ulit siya pero sa huli ay nahulog parin.

"Bullshit!"

Sunod-sunod pang malulutong na mura ang narinig ko galing sa kaniya.

Sa ika-98th try niya ay sa wakas nakuha niya rin ang baby shark, sa awa ng Diyos. Salamat naman.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon