25. Drunk

1.4K 33 3
                                    


Naglalakad ako palapit sa restaurant.  Nang nasa tapat na ng pintuan ay hindi ako agad pumasok at pasimple muna akong sumilip sa loob. Mas maaga ulit ako ngayon dahil pinauna na ako ni Chelly.

Mabilis kong inilibot ang paningin sa loob. Oh, boy he's not around.

Medyo nagdiwang ako kasi maiiwasan ko na naman si Gleizen nang may nakisilip din sa aking tabi.

"Why are you peeking?"

"Holy fuck--" natutop ko ang bibig ko. Nilingon ko si Gleizen na narito na pala. Mukha siyang nagpipigil ng tawa.

"Nakakagulat ka naman!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat.

Nakakainis!

"Sinong sinisilip mo."

Mabilis akong nag-isip ng dahilan. Hindi niya pwedeng malaman na siya ang sinisilip ko roon.

"Uh, s-si.." Bigla kong nakita si Marco sa loob.

"Si Marco! Oo, h-hinanap ko si Marco. Marco!" Tinawag ko pa ito at nakita niya naman ako kaagad. Kumaway ako sa kaniya.

"Naroon na pala siya. Uh, sige punta na ako roon." Pagpapaalam ko at iniwan na siya para makalapit sa lamesa ni Marco.

"Beca, upo ka na rito." Umupo na ako sa tapat niya at sabay na kaming nag-order pagkalapit ng waitress.

Pumasok si Gleizen pero hindi siya sa katabi naming lamesa pumwesto. May dalawang pang-apatang lamesa sa pagitan namin pero bakante naman ang mga iyon kaya kitang kita ko parin siya mula rito.

"Mas maaga ka na ngayon kumakain, ah. Ganitong oras na ba lagi?"

"Depende, paiba-iba kasi nagsasalitan kami ni Chelly." Sagot ko at tumingin sa lamesang 'di kalayuan sa amin. Seryoso lang siyang nakaupo roon nang lapitan na rin siya ni pabebe girl.

Kada minuto ay tumitingin ako sa gawi niya pero ni isang beses ay hindi nagtama ang mga mata namin. Hindi siya nag-angat ng tingin o lumingom man lang at seryoso lang na kumakain. Mas nauna pa siyang natapos kaysa sa amin ni Marco. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng restaurant.


"Beca, isang oras nalang shift na natin. Bar tayo?" Si Chelly habang inuunat ang mga braso.

Alas singko na ng hapon at patapos na  nga ang shift namin.

"Bar? Nakauniform, seriously?"

"Ano ngayon? Hindi naman maghahanap ng lalake gagawin natin do'n. Magchi-chill lang gayo. Pampatanggal pagod, gano'n."

"Ayoko. Next time nalang, Chells."

"Beca naman.."

"Okay lang naman sana sa'kin na lumabas tayo ngayon. Kaso nga, napaka uncomfortable nitong uniform tapos sa bar tayo. Maiinitan lang ako, and it would be awkward nakablazer tapos.." I looked at my get up.

"Gawan natin ng paraan! Akong bahala sa'yo-"

"Beca." Nilingon namin ang nagsalita. Gleizen stood in front of us cooly.

"Y-yes?"

Chelly cleared her throat intriguingly. He glanced at her then back to me again.

"Want to come with me later, after your shift? Dinner." My lips slightly parted when he uttered the words without delay. Like he just asked me if sugar is really sweet. He talked like no one's listening to us.

"Dinner?" Pasimple kong sinulyapan si Chelly at nakitang nagbu-busy busy'han siya roon sa may gilid. Hindi pa nakatakas sa'kin ang pagpipigil niya ng ngisi.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon