12. Senyora Geronima

1.8K 37 0
                                    


Quarter to seven na nang tingnan ko ang oras sa aking phonescreen. Lubog na ang araw at bumabalot na rin ang dilim sa paligid.

Papasok na ang sasakyan sa isang malaking gate na may malaking letrang F sa harapan at pinagbuksan kami ng isa sa kanilang sa tingin ko'y tagapangalaga ng mansion.
Ibinaba ni Gleiz ang salamin at tumingin sa matandang lalaki.

"Magandang gabi ho ser at sa inyo rin po ma'am." bati niya sa amin.

Tumango si Gleizen at ganun din ang ginawa ko.

"Pinapasabi ho ni senyora na tumungo nalang daw kayo sa kusina dahil naroon na sila at kayo nalang ang inaantay."

"Sige, mang Kanor. Maraming salamat."

"Wala pong anuman."

Pumasok na nang tuluyan ang sasakyan at mga ilang metro pa'y ipinarada niya na ito sa may garahe sa gilid ng mansion.

Napahinga ako ng malalim habang tinitingnan ang mansion na classic old style ang dating pero halatang naaalagaan ng maayos kaya parang bago parin ang estruktura nito. Hmm, iilan nalang ang may ganitong klaseng disenyo ng bahay dahil sa panahon ngayon ay puro modern designs na. Umihip pa ang hangin at naramdaman ko ang lamig na humaplos sa aking balat.

Inalalayan niya ako at patungo na kami sa main door nang may sumalubong sa aming may katandaan nang ginang na nakadamit pang-katulong at malaki ang ngiti.

"Magandang gabi, hijo at hija. Naku anak, namiss kita.." sabay halik sa pisngi ni Gleizen.

"Mabuti naman at narito na kayo! Tara na sa kusina." sabi niya pa at ngiting-ngiti siya kay Gleizen at sa akin.

"Nay Myrna, kamusta naman po kayo rito? Si Mama, maayos ba ang kalusugan niya?"

nakinig lang ako sa kanila. Is he referring to his grandma?

"Ay oo hijo. Malusog si senyora at malakas pa. Maayos din naman kaming lahat dito, pati rin ang tita Glenda mo, at mukhang.. hmm" ngumisi siya na parang may pinapahiwatig sa huling sinabi. Tumaas ang isang kilay ni Gleizen doon. Hindi ko makuha kung ano iyong sinabi ng ginang na sila lang yung nagkakaintindihan kasi tita niya naman yung pinag-uusapan so, deadma nalang ako.

"Naku, anak ngayon ka na naman ulit umuwi dito at noong isang taon pa yata iyong huling dalaw mo tapos pagbalik mo may magandang binibini ka nang dala, masaya ako para sa iyo!" humagikgik pa siya lalo at napangiti si Gleizen sa kanyang reaksyon.

"She's Breaker Fereira, by the way. My girlfriend." lahad niya sakin at agad naman akong ngumiti sa ginang.

"Hello po nanay Myrna." Bati ko at siya napangisi siya at tiningnan kaming dalawa na parang kinikilig.

"Naku napakaganda mo naman hija, ngayon lang nagdala si Gleizen ng babae rito at masaya ako dahil ikaw ang dinala niya. Bagay na bagay kayong dalawa." Malaki ang ngiti ng ginang.

"Salamat po." At ngumiti na rin ako. Iginiya niya kami papunta sa kusina at lalo pa akong kinabahan nang papasok na kami at natatanaw ko ang malaking dining table nila na may apat na taong nakaupo sa paligid nito.
Naramdaman ko ang kamay ni Gleizen na unti-unting dumausdos sa aking baywang.

"Relax.." bulong niya sa tainga ko at sinubukan kong kumalma at ngumiti nang mapatingin silang lahat sa pagdating namin.

I've never been so nervous like this before. It's not my first time meeting my boyfriend's parents but hell, this time is very different!

Humalik si Gleizen sa matandang ginang na nasa pinaka dulo ng long table, sunod naman sa kanyang daddy na nasa kanang bahagi ng matanda at ang nasa tabi nitong ginang na batid ko'y ang kaniyang stepmom. Huli ay sa isang mas nakababatang ginang na mukhang nasa edad mid fourties na pero mahahalata mo padin ang pagiging elegante at napakasopistikada. I bet that's his tita Glenda.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon