36. Answers

1K 33 1
                                    


Nagising ako sa pagtataka, ngunit sa hindi inaasahan ay pamilyar sa akin ang lugar na ito. Padilim na ang paligid. Bumangon ako sa mabatong kalsada na may maisan sa paligid. Masakit ang buo kong katawan at mas nagulat nang makita ang aking suot. Pamilyar ang punit na t-shirt at ang pantalon na nabutasan sa parte ng aking tuhod. Wala akong sapin sa paa at puro sugat ito. Naramdaman ko rin ang hapdi sa aking mga palad. Sinuri ko ang buo kong katawan at nakitang puno ako ng mga galos. May kumikirot sa aking noo, napahawak ako roon at naramdaman lalo ang sakit. Doon ko napagtanto na tumutulo ito ng dugo.

Nanginig ako sa takot nang rumehistro sa akin ang lahat. Hindi ko maintindihan. Bakit ako narito? Suot ko ang parehong damit noong gabing iyon at nasa parehong lugar ako. Ang mga sugat ko ay parehong-pareho. Tila nauulit ang nangyayari.

Lalo akong binalot ng takot nang makarinig ng mga yabag papalapit. Sa takot na maabutan ng humahabol ay kumaripas na ako ng takbo, walang tigil at mabilis. Hannggang marating ko ang pinaka-pamilyar sa lahat. Ang tulay.

Noon ko lang naramdaman ang pagod, hapdi at halo-halong sakit. Bumuhos ang aking mga luha, walang tigil ang pagdagsa nito habang inaakyat ko ang railing ng tulay. Nakapikit, walang pag-aalinlangan akong tumalon. Sumabog ang malabig na tubig sa aking pagbagsak. Hinayaan ko aking katawan na kainin ng kailaliman. Nang buksan ko ang aking mga mata ay nagulat ako nang tumambad sa aking mukha ang demonyong ilang taon ko ng tinatakasan. Kahit nasa ilalim ng tubig ay pilit niya akong inaabot. Sumigaw ako ngunit puro bula lamang ang lumabas sa aking bibig. Pilit akong sumisigaw at inaangat ang sarili sa tubig, halos maubusan na ako ng hininga. Sa pangalawang pagkakataon ay naisip kong sumuko na lang at malunod kasama ng demonyong ito nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan. Nabuhayan ako ng loob nang lumalakas at sunod-sunod ang pagtawag sa aking pangalan. Saktong pag-angat ng aking ulo sa tubig ay ang pagmulat ng aking mata.

Sinalubong ng malalalim at madidilim niyang mga mata ang tingin ko. Puno ang mga ito ng pagtatanong ngunit nangingibabaw ang pag-aalala.

I held back a breath which turned as a deep sigh, then slowly, tears started falling off my eyes.

"Why were you having a nightmare?"

"Why were you shouting for help. Why were you so scared?"

I looked at him in the eyes. He didn't remove his stare at me. I feel like his gaze was piercing through me it reached my soul. His face was shadowed but his eyes were illuminated by his expression, it was captivating. It was intense.

"What really happened?" He asked, not leaving my eyes.

For all the questions he thrown me, I couldn't manage to answer any of it. I do not know why my arms automatically went around his body and hugged him tightly. He buried my face on his chest, his palm on the back of my neck and his other hand on my back. I fisted on his shirt as I sob. For a moment, I felt safe. I felt so secured which I haven't felt for years.

We were like that for a period of time and he just let me. He let me compose myself for like an hour. He didn't ask nor force me to say something. He just stayed silent and listened to my soft sobs. He did not let go of me and he held me even tighter in his arms, it comforted me so much.

Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap. Natigil na ako sa pag-iyak at tuluyan nang kumalma. Hindi ko maiwasang mailang pagkatapos ng nangyari. Hindi ko inasahang muli akong dadalawin ng mga bangungot ng nakaraan. Hindi ko inaasahang sa pagkakataong ito ay masasaksihan niya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin ang lahat. Kung paano ko iku-kuwento nang hindi nagbabalik-tanaw sa mapait kong karanasan.

Pero hindi ko ito malalampasan kung patuloy ko lang iiwasan. Hindi ako makakausad ng tuluyan kung hindi ko ito haharapin at unti-unting maghilom.

Sa nasaksihan niya mula sa aking panaginip hanggang sa aking pag-iyak ay tila may hula na siya sa nangyari. Tila naiintindihan niya na ngunit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang maraming katanungan. Na kuryoso parin siya at gusto niyang malaman at marinig mula sa akin.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon