2. No Girlfriend Since Birth

4K 91 20
                                    

Hindi niya parin inaalis ang titig niya sa akin.

Babalik na sana ako sa table namin nang may biglang humigit sa balakang ko kaya bahagya akong napaharap dito.

"Hey baby, wanna dance?"

Inilapit pa niya ang mukha niya at amoy na amoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo sa kanyang hininga.
Nandiri ako at napairap nalang sa kawalan.

Habang sinasayawan niya ako ay sumulyap ako sa sofa ngunit wala nang nakaupo doon.

Nasaan na siya?

Tinulak ko ang lalake at nagpatuloy ako sa paglalakad sa dagat ng mga nagsasayaw.

Hindi ko alam kung bakit ko hinahanap ang lalaking iyon ngayon.

Patuloy akong naglakad. Sinasawayan ako ng bawat lalaking madadaanan pero tinutulak ko na lang sila pati yung mga humihigit sa baywang ko. Wala akong interes sa kanila.

Malapit na ako sa may counter nang may humigit na naman sa baywang ko. This time hindi ako nakapalag. Nasa likod ko siya at gustong gusto kong kumawala pero sadyang malakas ito. Mahigpit at mariin ang hawak niya sa aking baywang. Tumindig ang balahibo ko nang lumapat ang kaniyang hininga sa aking leeg. Tiniis ko ang kiliti nito at pinilit harapin ang lalaking magaspang ang palad na direktang nakahawak sa aking balat dahil cropped top ang suot kong pantaas.
Sa mga madidilim na titig pa lamang ay alam ko na.

"Sino ang hinahanap mo, hmm?" nanunuya ang boses na tanong niya.

Tinaas ko ang kilay ko at wala sa sariling ipinulupot ang mga kamay sa kanyang leeg. Hindi manlang siya naasiwa sa ginawa ko.

"Sino sa tingin mo?" Matapang pero mapang akit na boses kong sagot. Dahil na rin siguro ito sa nainom ko or what.

Umangat ang gilid ng labi niya at tinitigan ang mukha kong sobrang lapit ngayon sa mukha niya. Halos magdikit na rin ang mga ito.

"Why? Now tell me."

"You really is so full of yourself, do you? You really think ikaw iyon?" Ngumisi ako.

"Why not, maybe you realized what you did, kaya ka nandito ngayon sa harap ko. Unless you want something else?" Napabitiw ako sa leeg niya at bahagyang napaatras sa sinabi niya.

What the hell?

Hindi pa ako nakaka get over sa halik niya kanina, anong something else ang pinagsasabi niya ngayon?

Fucking pervert!

Napadpad ang tingin niya sa damit ko. Pinasadahan niya ito at naglakbay ang mata sa aking puting tube-like crop top at high waisted shorts. Dahil manipis ang tela ng damit ko ay bumabakat na ang katawan ko dala ng pagkabasa kanina. Kitang kita na ang bra sa loob ng aking puting damit. Nakita kong nag iwas siya ng tingin at pinilig ang ulo.

Seriously? Anong iniisip nito?

"Ang yabang mo hindi ka naman masarap humalik. Is that what you got, huh?" wala sa sariling sambit ko. Hindi ako makapaniwalang nasasabi ko ang mga ito ngayon sa harap ng lalaking nakakasuklam at nakakainis.

I don't mean it. Gusto ko lang siguro siyang asarin at makaganti or something na mukhang umepekto naman.

Bahagyang nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Ano, nakakadegrade ba nf pagkalalake kapag sinabihan kang hindi masarap humalik?

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita. Tinanggal niya ang black niyang jacket at ibinalot ito sa aking dibdib. Nagulat ako sa inasta niya.

"Takpan mo."

Napatingin ako sa katawan ko at bago pa ako makapagsalita ay narinig  ko na ang boses ni Glamour sa likuran ko.

"God, Breaker andito ka lang pala. Akala ko umalis ka na!"

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon