27. New Beginning

1.3K 36 0
                                    





"Ayan pala si Boy English, eh."

"What?" Natatawa kong tanong kay Chelly. Boy English, what the heck?

"Pa'no kase, english ng english nasa Pilipinas naman tayo. Ako tuloy nahihirapan!"

"He didn't grew up here in the Philippines, kasi." And he has a foreign blood.

"Bakit mo alam, huh?" Pinaningkitan niya ako ng mata at nagkibit-balikat pa.

"N-Nakwento niya lang." Nag-iwas ako ng tingin at uminom sa aking canned beer.

"Sus.. Ikaw ha, close na pala kayo eh. Bakit mo siya inaaway kagabi?"

"I was just drunk!"

"Weh, baka naman may pinanghuhugutan ka kaya ganoon. Halimbawa may nagkaka-crush sa kaniyang waitress, mga gano'n, halimbawa lang naman."

"Ewan ko sa'yo Michelle Joey."

"Kaasar naman 'to, oh."

"By the way, ang tagal ng bakasyon niyan, huh? Magt-two weeks na siyang naka check-in sa hotel."

Actually, wednesday last last week pa 'yan nandito sa San Vicente. Hindi ko nga alam kung balak na ba niyang tumira rito or something.

"Huy nakatingin siya sa'yo.." siniko ako ni Chelly.

Tiningnan ko ulit si Gleizen at nakumpirmang nakatingin nga siya. Tumayo siya sa kaniyang upuan at may sinabi sa mga kasama, tumango naman ang mga ito at nagpatuloy sa pag-uusap nang umalis na si Gleizen sa kanilang harapan.

"Hala siya, ayan na lalapitan ka na. Ops, Boy English is coming!"

"Hey."

"Hi, Gleizen! It's good that you're here, Beca's bored."

Luh. Gawa-gawa talaga 'tong si Chelly. Gleizen sat on the chair beside me and he stared at me.

I suddenly remembered what Chelly named him and I couldn't hide my giggle.

"What's funny?"

Lalo akong natawa nang marinig na nag-english siya.

Naguluhan si Gleizen noong una pero kalaunan ay nagtaas siya ng kilay at ngumisi.

"Maiwan ko nga muna kayo, okay, continue." Sabi ni Chelly at umalis para makihalo sa ibang tao.

"Are you drunk again or what?"

"Hindi, ah. Beer lang 'to tapos malalasing ako?"

"Why are you laughing at me?"

Kasi, Boy English ka nga raw. Umiling ako. Natatawa na naman pero pinigilan ko kaya kinagat ko nalang ang labi ko para walang lumabas na tawa.

Napatingin naman siya roon kaya tinanggal ko ang pagkakakagat ng labi ko.

"Bakit ka nandito?"

"Kilala ko si Euee. I'm friends with her friends." Tinuro niya ang pinanggalingan niyang lamesa.

"You're friends with her?" Tanong niya.

"Oo. Mabait siya, eh."

"Do you want to walk around?"

Nag-isip pa ako kung papabayag ba pero tumango lang din naman kalaunan.

We walked along the sandbar. The music becoming faint as we step away from there.

"Gaano na kayo katagal?"

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon