6. Kissing Tutorial

3.2K 70 1
                                    

Alas otso ng umaga nang mapagpasyahan kong mag-jogging nalang muna sa labas. Medyo matagal tagal na rin kasing hindi ko ito nagagawa. Kailangan kong mag-exercise paminsan-minsan para ma-maintain ang figure ng katawan ko.

Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay nagbihis ako ng komportableng damit sa pagjo-jogging. Sinuot ko ang isang racerback sports bra at cotton shorts na may slit sa magkabilang gilid. Sinuot ko rin ang rubber shoes na madalas kong suot tuwing nagwo-workout ako dati.

Mukhang kailangan ko na nga ulit bumili ng bagong sapatos gayong naisipan kong bumalik ulit sa pagjo-jogging tuwing umaga. I should buy a new one, maybe next week siguro makakapag-mall ako.

Lumabas ako ng bahay dala ang cellphone sa aking bulsa at sinalpak ang earphones sa magkabilang tainga.

Tagaktak na kaagad ang pawis ko habang papalabas sa bakuran ng aming mansion. Medyo malayo pa kasi ang gate mula sa mismong bahay namin.

After almost 30 minutes ng pagtakbo sa gilid ng kalsada ay medyo nanghihina na ako.

"Haay, nakakapagod!" tumigil ako at umupo sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno. Isinandal ko ang aking likod at dinama ang tugtugin na nanggagaling sa earphones na nasa aking tainga.

Hinihingal pa ako kaya tumingala ako at sandaling pumikit.

Nanatili akong ganoon ang posisyon at nang kumalma na ang pakiramdam ay nagdesisyon akong bumalik nang muli sa amin.

Ngunit pagkababa ng aking tingin ay napatalon ang aking dibdib sa gulat dahil sa isang pares ng pamilyar na mga matang seryoso at matamang nakatitig sa akin.

Nasa aking tapat ang isang red Subaru, nakababa ang salamin ng bintana at sa loob ay may nakahilig sa manibela na tila ine-enjoy ang tanawin sa kaniyang tapat. Gleizen nailed a pose of a Subaru model, without even trying.

I immediately closed my slightly parted legs at dali daling nabuwal sa pagkakasandal. I'm sure kasimpula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.

Kanina niya pa kaya ako tinititigan sa ganoong posisyon? Nakakahiya!

He raised his brow and I sensed some amusement from his eyes.

Umayos ako sa pagkakaupo at tinanggal ang aking earphones. Binuksan niya naman ang pinto sa front seat galing sa loob at sumenyas na pumasok ako roon.

Kumunot ang noo ko.

Ano namang akala niya, na porket pagod ako hindi ko na kayang umuwi pabalik nang mag-isa?

"Get in."

Hindi ko siya pinansin, kaya tumayo ako at nagsimula ng mag-jog pabalik para makauwi na sa mansion.

Hindi ako sasakay sa'yo, Gleizen.

Narinig ko ang mahina niyang pagmura at pagsarado sa pinto ng kaniyang Subaru XV. Walang lingun-lingon akong dumiretso. Sumusunod lang naman ang sasakyan niya sa akin sa mahinang patakbo para masabayan ang bilis ko.

"Damn it! You're so hard-headed." Nilingon ko siya at nakitang frustrated niyang pinasadahan ang kaniyang buhok.

Hindi ko napigilang mangiti dahil doon. Hindi niya ito nakikita dahil nakafocus siya sa daan.

You're losing your cool because of me. I smirked evilly.

Tumigil ako sa paglalakad saglit. Nakita ko siyang bumaba naman sa sasakyan. Hinila niya ang kamay ko at padarag na ipinasok sa shotgun seat.

"Oh, gosh!"

"Don't do that again." his husky voice sounded seductively to my ears. Oh, damn.

"Do what?"

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon