9. Blood

2.4K 52 0
                                    



"Mabuti naman at maaga kang nakauwi. Akala ko ay bukas ka pa darating." si manang Karing.

Si manang Karing ay malaya at kaswal akong nakakausap, hindi katulad ng ibang maid dito sa mansyon na takot sa akin. Hindi ko naman sila sinusungitan pero tuwing kinakausap ko'y halata na kinakabahan ang mga ito at laging nakayuko.

Nakasanayan na rin ni manang na pangaralan at pagsabihan ako paminsan minsan dahil kung tutuusin parang lola ko na siya rito. Nang mamatay si lola ay siya na ang itinuring kong pangalawang lola.

Tuwing wala sila mommy, siya ang taga alaga ko. Simula pa noong nasa  elementarya ako ay sa amin na siya nagtatrabaho, siya na ang kinamulatan kong yaya. Ilang taon niya na rin akong nabantayan kaya malapit na ang loob ko sa kaniya.

Mabait at mapagkakatiwalaan si manang Karing. Maintindihin siya at naramdaman kong totoo ang ibinibigay niyang malasakit sa panilya namin.

Kahit na maldita akong bata noon, lalo na noong panahong nasa sekundarya pa lamang ako. I've been a spoiled brat. Kaya siya ang nakaranas ng sakit sa ulo tuwing nasasangkot ako sa trouble sa school, madalas ay dahil laging puno't dulo ng away pagdating sa mga boys. Manang Karing saw all my doings. Especially when I was in college, mulat siya sa mga gawain ko. Ang pagpapalit palit ng nobyo at palagiang paglabas kasama ang mga ito. Halos nasaksihan niya lahat.

Noo'y lagi siyang may side comments, laging may pangaral. Alam niya lahat ng pinaggagagawa ko. Hindi man deretsahang masabi, alam kong hindi rin siya sang-ayon dito. Nagpipigil na lang siguro sa kaniya na kahit ang mga magulang ko ay hindi ako pinipigilan sa gustong gawin. Hindi sa pabor sila rito, kundi dahil may tiwala sila sa akin bilang anak.

"Bree, anak, I know you are beautiful. Very beautiful, indeed, anak kita e!" Tumawa si dad.

"But I know you are intelligent, too. You were a smart kid and a responsible lady now. I know I'm not a perfect father to you, I'm not always with you, guiding you as you grow up. But I am still grateful on how you mature and uderstand things. I won't stop you in whatever you want to do in your life, just always remember that I'm just here, I got your back my princess. If someone hurts you, I'll raise hell. I won't think twice."

That was exactly what my dad told me back then. Now, I miss him.

Mahilig akong mag-entertertain ng boys. Alam iyon ng lahat sa mansyon. Kung may nagbago man sa akin ay siguro naging mas mature na akong mag-isip sa lahat ng bagay kumpara noong nagsisinula pa lamang ako sa kolehiyo.

"Aakyat na po ako sa kwarto manang." tinuro ko ang taas at dahan dahang umakyat.

"Siya sige.."

Pagkalapag ko ng bag sa table ay tumunog ang cellphone ko.

Umupo ako sa kama at tiningnan ito.

1 message received

Evans:
Are you okay? How was your talk with Dad last time? Kung tungkol parin iyon sa kasal, I'm sorry.

Napabuntong hininga ako at nagtipa ng mensahe.

Me:
It's okay. Don't worry.

Evans:
Huwag mo nalang muna isipin iyon, okay? I'll see you tomorrow.

Me:
Okay. Thank you, Evans..

Evans:
No problem, babe.

Tss. Kaya siguro iniisip ng mga magulang namin na may relasyon kami dahil sa kakatawag niya sa akin ng babe. Kahit kasi nakaharap sila sa amin, minsan hindi niya napipigilang tawagin ako noon. Hindi pa nakakatulong na extra sweet siya sa akin. Kung ibang tao siguro ako at makikita ko ang sitwasyon naming dalawa ay iisipin ko ring may something nga sa amin.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon