3.Sa Condo

3.6K 89 17
                                    



"What do you wanna watch? May mga animated movies yata na bagong labas ngayon."

"Kahit ano."

"Diba mahilig ka sa Tom and Jerry? Pinapanood natin 'yon dati, I still remember. Nahawa nga ako sa kaadikan mo, haha. It became my favorite too, I do watch it parin nga eh."

"Ayoko nu'n Triumph."

"Huh? Why, eh diba favorite mo iyon? Dati nga sobrang lakas ng tawa mo sa tuwing--"

"Ano ba, dati yun Triumph. Iba na ang gusto ko ngayon." I didn't mean to sound like there's another meaning to what I said. But his expression changed when he heard that.

Natulala siya sa sinabi ko pero pinilit na tumawa para walain ang tensyon.

"Sorry. What do you like, then?"

Pinagpatuloy namin ang paglalakad sa loob ng mall.

We're here inside the mall, inaya niya kasi akong mag-date tulad ng ginagawa namin noon years ago, bago siya lumipad patungong States.

Tutungo kami ngayon sa movieworld tulad ng sinabi niya na manonood kami ng sine.

"Nagbago ka na nga talaga, huh."  He laugh in low tone.

"Two years lang ako nawala, andami nang nagbago. Sana hindi nalang ako pumayag umalis 'no? Ayos na ako sa pambabasted mo, huwag lang sana iyong tuluyan ka nang nagbago." tumawa ulit siya pero hindi mo makita sa mga mata niya ang kasiyahan. Salungat ang inilalabas na ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Sabi ko naman sa iyo marami nang nagbago. Pero ito na ako eh. Wala tayong magagawa." I answered.

"Okay. I understand."

I didn't mean to hurt his feelings. I'm just being true to myself.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa ako na rin ang bumasag nito.

"Uh, Triumph this one oh. I want to watch this." sabay turo ko sa isang thriller suspense movie.

"Are you sure? I thought you hate-- ah oo nga pala iba na ngayon ang gusto mo. Let's watch it then." Kinuha niya ang kamay ko at hinila na para pumila sa bilihan ng ticket.

"I watched its trailer, I liked it and it excited me! So I wanna watch the full movie. I think the girl is the one who kills." Ngumisi ako sa kaniya habang sinasabi iyon.

Tamihik lang naman siya at diretso lang ang tingin sa harap. Kami na ang susunod sa pila.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay tumingin din siya pabalik at bumuntong hininga.

Tatlong taon na ang lumipas mula nang mangyari ang pag-aaway namin.
Hindi ko na madalas maalala ito, pero sa pagkakataong ganito at kasama ko siya sumasagi ito paminsan-minsan at hindi ko namamalayang nagsasalita ako sa aking isipan na Kung sana hindi niya ako sinaktan noon, baka mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon.

Mahal ko parin naman siya, pero hindi na katulad ng dati. It's more on caring now. Because we're good friends. Hindi ko naman masisisi si Triumph kung hindi niya ako pinili noon. Marami siyang ibang priorities kaysa sa akin. Tama nga siya, bata pa talaga kami sa panahong iyon. I'm still confused and unsure. Hindi ko pa alam kung ano ang ginagawa ko. I am immature and still too young.

Pinanood naming dalawa ang movie. Hindi mabura ang ngiti ko pagkalabas namin ng sinehan at mayabang na sinabi kay Triumph na tama ang hula ko sa killer doon. The movie was nice and the plot twist shocked us all who were watching, it was like a roller coaster ride inside the movie room dahil panay ang sigaw ng mga manonood.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon