28. Feelings

1.3K 35 0
                                    






Ibinaba ko ang aking mga paa na nakapulupot sa kaniyang baywang. Hinayaan niya akong gawin iyon at unti-unti niyang niluwagan ang mga kamay na nakasuporta sa aking likod.

"Anong ibig mong sabihin?"

Naguguluhan akong tumitig sa kaniya. Huminga siya ng malalim at dinilaan ang pang-ibabang labi.

"Gusto kong malaman. Masaya ka ba?"

Hindi ako agad nakapagsalita. Oo nga ano, masaya nga ba ako? Basta ang alam ko, maayos na ako. Nakapagsimula na ako ng panibagong buhay rito kasama ang bago kong pamilya at bagong mga kaibigan.

But, have I asked myself. Am I happy?

Bigla kong naisip sila nanay Paz at tatay Nestor. They made me feel loved, taken care of, and cherished. They treated me as their own, that was enough reason to be happy.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?"

"Just answer."

"Syempre naman, masaya ako. Ikaw ba?"

Nag-iwas siya ng tingin na nagpakunot sa noo ko. Bakit, siya hindi ba siya masaya?

"Let's go, it's cold."

Pinigilan ko ang braso niyang umalis. Nilingon niya ang kamay ko na nasa kaniyang braso.

"Hindi. Sagutin mo rin ako."

"What if I'm not?"

Why? Why wouldn't you be happy, Gleizen? We ended clearing things between us three years ago. You even told me you'd marry another woman that's probably your girlfriend then and maybe your wife now. Paanong hindi ka magiging masaya, huh?

"Bakit ka naman hindi magiging masaya? Where's your family, you have one, for sure. Your.. wife, your cousins, and friends?"

"I'm not married."

Iyon lang ata ang narinig niya sa mga binanggit ko. He's not married? But, why?

"Fiancee, then or girlfriend?"

"I don't have a fiancee."

"Bakit? I m-mean, you're already stable right? Steve told us he works in the company under your hands, your company."

"I'm waiting for my girlfriend."

Oh. May girlfriend naman pala. Of course, bakit mo naman iisiping wala. Who knows, after his vacation here he'd propose to her when he gets home.

"Pero hindi ko alam kung may mahihintay pa ba ako."

Huh?

"She's.. not ready, yet?"

Maingat akong nagtanong. Bakit ganyan ang sinasabi niya, hindi ba sila okay ng girlfriend niya? Siya parin ba, iyong babaeng nasa article?

"Umalis siya."

"She left.. without telling everyone."

Fuck. It can't be. Mali ang naiisip ko, right? Stop assuming things, Bree. Matagal na kayong tapos, hindi pwedeng ikaw ang sinasabi niya. Hindi ikaw ang girlfriend niya.

"I know it was my fault, hinayaan ko siyang makawala sa akin at umalis kahit mahal ko siya. But, I just gave her time and space, I decided to give her at least a year because she's having too much on her shoulder. Naghintay ako.."

Bakit. Bakit ka naghintay para sa akin?

"..When she left, I tried to understand her. But two more years, she's still not back. Hinanap ko siya, naghintay parin ako na baka balikan niya rin ako.."

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon