26. Hangover

1.4K 37 3
                                    

Mabilis akong naglakad paalis ng dancefloor. Naisip kong lumabas na ng bar at umuwi nalang pero naalala kong kasama pala namin si Chelly kaya bumalik ako sa pwesto namin kanina.

Padabog akong naupo at inabot ang bote ng george dickel.

"Stop drinking."

Halos mabasag ko ang bote nang malakas ko itong ilapag sa lamesa.

"Why do you care?" Singhal ko.

"What do you think you're doing?"

"Ano bang pakialam mo, pinakialaman ba kita?" Inirapan ko siya at nagsalin na sa aking baso at agad nilagok ang whiskey.

"You have a boyfriend."

Halos matawa ako sa narinig. Boyfriend?

"Saan?" Tumingin ako sa paligid. Baka may nakikita siyang hindi ko nakikita.

Lalong dumilim ang titig niya. Umigting ang kaniyang panga at nanatiling nakatayo sa harapan ko.

"Just because he's not here, you're allowed to fool around." Nagpanting ang tenga ko roon. Wow, concerned si kuya.

"Ano naman sa'yo?! Ikaw ba siya? Hindi naman ah, kaya bakit sobrang apektado ka?"

Alam kong si Rico ang sinasabi niya. Pero hindi ko naman boyfriend si Rico. At kung oo nga, ano naman sa kaniya? Hindi naman siya si Rico, para umakto siya ng ganyan. Kung makareact akala mo..

"Hindi ako apektado. I'm just worried for you."

"Worried? Why would you be worried, huh?"

"What if his friends saw you?"

"Anong, anong his friends? Anong kinalaman na naman ng mga 'yon dito?"

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya. Dinadagdagan niya lalo ang sakit ng ulo ko. Umiikot na nga lang ang paningin ko!

"They'd think you're cheating on him."

Matalim ko siyang tinitigan. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin kaya uminom nalang ako ng uminom kahit pinipigilan niya na ako. Hindi ako nagpaawat hanggang sa tuluyan na akong nahilo.

"That's enough." Inagaw niya ang baso sa kamay ko na ikinainis ko lalo.

"Don't be so fool of yourself, asshat." I glared at him. He breathed heavily and shook his head.

Akala niya naman susundin ko siya. As far as I know, we're not close. Pinapakialaman ang hindi naman dapat pakialaman. Nasaan na iyong babae niya, 'yun dapat ang pakialaman niya hindi 'yung ako ang ginugulo niya.

"You're drunk."

"I'm not fucking drunk!" Medyo nagulat pa siya sa sigaw ko pero mabilis ding nakabawi.

"Same old mouth." Bulong niya.

"What did you say?!"

"Hala, luh bakit nag-aaway na kayo? Ang bilis naman ng LQ!" Sabay naming nilingon si Chelly.

"Chelly, umuwi na tayo."

Tumayo ako at muntik nang mapasubsob sa lamesa. Mabuti nalang at naituko ko kaagad ang mga palad ko roon. Natumba naman ang isang bote ng alak at nabuhos ang laman nito.

"Fuck." Mabilis akong inalalayan ni Gleizen.

"Nako, eh may lasing na pala! Hahaha."

"I'll take you home. Do you know where she lives?" He asked her.

"Uh, yes, I know!"

Hindi na ako nakareklamo. Ayaw kong magpahatid kay Gleizen pero nag-aalala rin naman ako para sa sarili. Hindi na ako makalakad mag-isa dahil sa hilo, kinailangan pa akong hawakan ni Chelly sa magkabilang braso habang nasa gilid ko para alalayan ako palabas ng bar.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon