The Return

18K 176 6
                                    

JHOANA

"Jho! Jhooooooooo!" Sigaw ni Ate Ella habang papasok sa office ko.

"Grabe namang sigaw yan Tandang Ells. Miss mo na ako agad? Wag kang mag-alala, I miss you too." Tumayo ako at nagkunwaring yayakapin siya.

Hingal na hingal si Ate Ella kaya hindi siya makapagsalita ng maayos.

"M-mukhang hindi ako ang namiss mo at nakamiss sa'yo."

"Ha? Di kita gets 'te Ells."

"Sh-She's Back." Sabi niya na mukhang nag-aalala na excited na natatae. Ewan ko. Ang weird talaga ng matandang ito.

"Ha? Sino?" Biglang nagbukas ang door ng office ko at pumasok ang isang matangkad na babae. And oh..

"Good Morning. I'm Bea De Leon. I'm the one sent by Mr. Tai for the associate auditor position and he told me na you--" Napatigil siya sa pagsasalita nang magkatinginan kami.

Totoo ba'to? My Bea De Leon is back?

"Ate Ella? J-Jho?"

Napatitig lang ako sakanya habang papalapit siya sa table ko. Si Ate Ella naman ay palipat lipat ng tingin sa aming dalawa.

*PAK* At bigla ko siyang sinampal.

....

Pagkalabas ko ng office ni Mr. Tai ay tinginan ang mga co-workers ko sa'kin. Siguro ay nagulat sila sa ginawa ko kay Bea. Ako rin nga nagulat eh. Bigla naman akong nahiya kaya dumiretso ako sa cubicle nina Ate Ells at Jia. Habang papalapit ako ay nakita ko sila na parang alalang alala.

"Anong sabi ni boss, bes?" sabi ni Jia habang inaalalayan akong umupo.

"Ayun. Galit siya. Dapat daw happy happy. Dapat heartstrong at hindi handstrong. Tinanong pa niya ako kung bakit ko nasampal si B-bea. Siyempre, hindi na ako nagrason pa, nagsorry na lang ako kasi naman alangang sabihin ko sa'kanya na ano." Pinatawag kasi ako ni Mr. Tai matapos niyang nalaman yung pananampal ko kay Bea. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa mga nangyari.

"Anyare ba sa'yong bata ka? Ba't bigla mo na lang sinampal 'yung ex mo?" Sige Ate Ells. Ipagdiinan natin 'yung salitang ex. It's been 3 years, 6 months, 1 week and 2 days since we broke up. Well, since she left me.. ng hindi man lang nagpaalam. Kaya siguro nasampal ko na lang bigla dahil sa galit na naramdaman ko nung nakita ko siya. Hay. Akala ko I've moved on pero I guess the Bea De Leon Effect still works on me.

"Eh. Bakit kasi siya bigla bigla magpapakita, Ate Ells? Nadala tuloy ako sa galit ko."

"Eh bakit nga ba siya andito?" Tanong naman nung dalawa.

"Sabi ni Mr. Tai, siya daw 'yung bagong associate auditor." Paliwanag ko naman at biglang natameme sina Jia at Ate Ells sa sinabi ko.

"Di'ba Bea's fam have businesses? Bat hindi siya magtrabaho doon?"

"Hay nako, Jia. Hindi nga kailangan ni Bea magtrabaho sa yaman niya." Singit naman ni Ate Ella.

"Aba, itanong niyo siya. Alam ko? Ako ba jowa?" I said bitterly.

"Noon. Nagbabakasakali ngayon." Pang asar ni Ate Ells.

"At umaasa pa rin hanggang ngayon." Dagdag pa 'tong Jia na'to. Nag-high five naman 'tong dalawang itlog na 'to.

"Ewan ko sainyo. Basta ang sabi sa'kin ni Mr. Tai eh alagaan ko raw." Isa ata si Bea sa mga top succesful accountants sa Asia so kinuha siya ni Mr. Tai. Malaki nga ata ang deal para mapapayag siya.

"Alagaan lang pala. Expert ka jan, Jho." Nagtawanan naman 'tong dalawang kaibigan kong 'to. Bestfriend ko talaga sila eh. Halatang halata.

"Ate Ells! Ano ba?" Naiinis kong sabi.

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now