Hugot

6K 126 1
                                    

JHOANA

"Kuya, wala kayong security guard dito sa loob?" Tanong ni Bea sa isang trabahador dito sa warehouse. Andito kami ngayon sa warehouse ng isang client namin na dealer ng tires. We're here to observe the operations of the business.

Kasama rin namin sina Ate Ells and Jia. Natanong naman iyon ni Bea kasi inoobserbahan namin 'yung internal control dito sa warehouse nila.

"Meron po, ma'am. Asan na ba 'yung si Will? Iniwan nanaman niya itong post niya!" Sagot naman ni kuyang trabahador.

"Ganyan naman kasi bigla na lang nang-iiwan." Sabi ko. Wala 'to guys, balak ko lang pagtripan si Beatriz ngayon.

Napatingin naman silang lahat sa'kin.

"Hugot, bes!" Nakihigh five naman si Jia sa'kin.

"Oh! Ayan na pala si Will eh. San ka ba nanggaling?" Tanong ni kuya sa hingal na higal na guard.

"Oo nga, manong guard! San ka ba nanggaling? Mag-explain ka! Sabihin mo kung bakit, bakit ka umalis?!" Pagbibiro ko kay Kuya Guard.

"Hugot #2, bes!" Maghahigh five nanaman sana kami ni Jia ng batukan kami ni Ate Ells.

"Mga kalokahan niyo ha. Itigil niyo."

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad sa warehouse at patuloy din ang pagtatanong ni Bea sa kuya.

"Gaano kayo kadalas mag-inventory count kuya?"

"Simula po nung nilipat ako sa warehouse na'to, hindi pa kami nakakapaginventory count. Mga 2 years na rin po ako dito."

"2 years? Ang tagal na nun ah."

"Tagal mo nga rin akong pinaghintay. 3 years pa nga 'yun" Hugot ko nanaman pero mahina lang.

"Hugot #3, bes!" Ay narinig pala ni Jia.

"Narinig ko rin, gaga!" Bulong naman ni Ate Ells sabay batok nanaman sa'kin. Nakakarami na 'tong matandang 'to.

"Sabi naman po kasi ng manager dito, may tiwala naman siya sa aming mga trabahador niya kaya hindi na rin napagtutuunan mag-inventory count." Narinig kong sabi nung kuya.

"Kaya tayo nasasaktan dahil masyado tayong nagtitiwala eh." Oy, hindi ako humugot non, si Jia!

Nagkatinginan naman kami ni Ate Ells.

"Hugoooowt!" Hindi ulit ako nagsabi non. Hindi rin si Ate Ells. Si Jia ulit 'yun. Tinaas pa niya 'yung kamay niya para maghigh five kami pero iniwasan ko lang siya at naglakad na.

"Grabe. Ano 'to? Self support?"

"Oo. Mahalin mo 'yang sarili mo. Importante 'yan." Sabi ko.

Napatigil naman sa paglalakad at napalingon si Beatriz at si kuya dahil sa sinabi ko.

"Hugoooowt!" Sabi ko na lang at akmang ihahigh five ko sana si Jia pero umiwas ito.

"Self support ka muna, bes. Mahalin mo 'yang sarili mo. Importante 'yan." Sabi niya habang papalayong naglalakad.

Aba! Nabawian ako ng isang 'yun ah.

Malapit na namin matapos libutin ang buong warehouse nang napansin ko ang isang section ng gulong.

"Kuya, bakit unorganized 'yung tires dito?" Tanong ko.

Napabalik naman si Beatriz sa kinaroroonan namin nina Ate Ells. Ang bilis kasi nila maglakad ni kuya kaya malayo sila sa'min. Mukhang hindi niya ito napansin kanina.

"Ay. Hindi na kasi pwede 'yang mga 'yan, ma'am. Unorganized kasi tinatambak na lang dito. Paminsan minsan na lang namin naayos."

"Ow. Porket di na pwede, itatapon na lang basta basta?" Hindi ko alam kung connected pa ba 'yung sinabi ko sa topic namin hahaha

"Kasi you can't do anything about it na." Sagot ni Bea.

"Hindi ba pwedeng itry na ayusin muna?" Sabi ko naman habang tinitignan at hinahawakan 'yung ibang tires dito sa section na'to.

"Of course, they did pero sadyang may mga bagay na hindi talaga pwede. You can't force everything."

Bumaling naman ang tingin naming lahat kay Bea ng sinabi ito.

"Kung gusto mo talagang ayusin, may paraan." Mahina kong sabi.

Wag kayong mag-alala guys. Wala kaming pinagdadaanan.

"Hindi porket gusto mo, gagawin mo na agad. Hindi lang yung gusto mo ang nagmamatter dito. Hindi lang yung gusto mo ang pwedeng sundin kasi maraming pwede maapektuhan." Natahimik naman ako sa sinabi ni Bea. May ibigsabihin ba siya sa sinabi niya? Lalim ng hugot eh. Connected ba 'to sa'min?

"Ah, mga ma'am, LQ po ba kayo?" Sabi ni kuya na nagpatawa naman sa dalawa kong kaibigan. Inirapan ko lang sila at sinagot si kuya.

"Opo, kuya." Confident kong sagot. Trip ko lang naman si Beatriz, di rin naman babanat 'yan.

"Sabi ko na eh, magjowa kayo!"

"Ts. Wag kang maniwala jan, Kuya. Hindi kami nag-eLQ kasi hindi naman kami lovers.. pero.. mahal ko siya."
Bigla naman akong napa-ubo sa sinabi ni Beatriz. Aba't iba rin trip ne'tong babaeng 'to!

Naglakad na ulit sina Beatriz at si Kuya na gulong gulo sa mga nangyayari.

"Ayan, ineng, hugot pa more!"

"Dami mong hugot pero isang banat lang pala ni Bea ang katapat!"

Tumawa naman sila ng malakas. Napakasupportive, ano?

Walang hiya kasi 'tong De Leon na'to. Pero aaminin ko, medyo kinilig ako doon.
-

Beatriz

Maggagabi na rin nung natapos kami sa warehouse. Medyo naging awkward lang kami ni Jho after nung banat kong iyon. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko 'yun nasabi, alam ko naman hindi ako pwedeng magpadalos dalos sa mga sasabihin ko. I know, it's just a joke pero ayoko na kasing magbigay ng hint pa kay Jho. Hindi sa hindi ko na siya mahal o ayokong maging kami, God knows how I wanted us to be together again pero I know bawal, alam ko na mali, kaya pinipigilan ko. I left her nga for 3 years just for those fucking reasons tapos ngayon babalik nanaman ako sa simula? I can't. I love Jhoana so much na I would protect her even if I'm on the losing end, na kahit buhay ko pa ang kapalit.

I was driving on my way home na when I decided to turn on the radio kasi I'm sleepy na, eh mukhang 30 minutes pa itong byahe ko.

"Hello, caller. Anong maitutulong natin?" The DJ said. Mukhang ito 'yung advice advice portion sa radio.

"Hello po, Kuya Mike. Magpapaadvice sana ako." Sabi naman ni caller. Oh, and he's a guy.

"Alam ko, kuya. Adviceserye nga 'tong programa natin di'ba? Kaya malamang magpapadvice ka? Hahaha. Charot lang. Ano bang problema ng puso natin, kuya?" Problema ng puso? So korni!

"May girlfriend po ako pero hindi ako gusto ng mga magulang nung gf ko. Dahil doon, eh nag-aaway na 'yung gf ko at magulang niya. Ano pong dapat kong gawin, Kuya Mike?" Oops. Sensitive topic.

Pinatay ko ang radio dahil ayokong marinig what the DJ will say. Alam ko na ang sasabihin niya, na subukang suyuin ang magulang, ipakita sa'kanya na deserving ka sa pagmamahal ng anak nila ganyan ganyan. Honestly, 90% of those nagpapaadvice, alam naman nila ang gagawin nila eh kung minsan pabebe lang na tipong kailangan lang nila ng karamay sa problema, yung iba naman kailangan lang nila ng force na magpupush sa kanila to do it para pampalakas lang ng loob ba. Hindi ko naman kailangan ng kasama sa problema ko eh and I don't need someone to push me to do what everyone would do if they're on my situation. I can't and I won't do it.

-
Author's note:
Thank you for reading my story! Alam ko medyo magulo pa si Bea dito pero lalabas din 'yung reason niya soon. So abangers lang tayo guys! God bless!

Selfish Love (JhoBea)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora