A Little Bit Free

6.2K 122 10
                                    


Jhoana

10 p.m. na and we're still working. Audit season kasi so tambak kami ng work. Hindi naman ako nagrereklamo noon tuwing ganitong season, gustong gusto ko nga na marami kaming gagawin pero ngayon parang tinatamad at wala akong ganang tapusin ang mga reports ko.

"Namimiss mo lang siya, bes."
"Grabe ka naman, Jho. Nasa kabilang office lang siya sobra ka namang affected 'jan."

Nandito ngayon sina Ate Ells at Jia sa office ko. Dinalhan kasi nila ako ng pagkain kasi hindi pa ako naglalunch. Two days na rin simula nang lumipat si Bea totoong office niya kaya rin siguro wala ako sa mood na magtrabaho dahil nasanay ako na nasa iisang office kami. Naks, nahiya ka pang aminin na namimiss mo siya.

"Tumigil nga ka-" Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto ng office ko.

"Fries? -oops. Andito pala kayo Ate Ells." Natigilan si Bea sa may pinto habang hawak ang isang bucket ng fries.

"Ayaw mo atang andito kami Bea ha." Tuluyan namang pumasok si Bea sa office ko at inilapag ang fries sa table and isang cup ng coffee with a note.

I know, wala kang time na gumawa ng coffee mo kahit gusto mo kaya *tenen* here's a hot coffee for you, hardworking woman.

-B

Adorable.

"Hindi naman, Ate Ells. Nagulat lang. Namiss nga kita eh. San ka ba pumunta ng 1 week, ha? Pahug nga." Natatawang niyakap ni Bea si Ate Ells. Clingy talaga ne'to.

"Si Ate Ells ba talaga namimiss mo?" Sabi ni Jia at kumuha ng fries.

"Siyempre, ikaw rin Jia kahit kasabay naman kitang naglunch kanina. Hug din kita, ha." Aba ewan ko rin kung anong trip ni Bea. Simula noong pag-uusap naming sa Araneta parang mas naging relaxed ang aura niya. Para bang siya ulit si Bea na nakilala ko noon, childish and immature pero in a good way. Kung meron mang in a good way non. Feeling ko tuloy, kinailangan lang talaga niyang ilabas 'yung matagal na niyang sinosolong problema.

"Asus, De Leon, ha. Sige na, yakapin mo na 'yung totoo mong namimiss." Pang-aasar ni Jia.

Ngumiti naman sa'kin si Bea bago lumapit. "I miss you, Jho kahit kakagaling ko lang dito sa office mo kanina." I chuckled. Pambihira, Beatriz. Ang bata!

"Ayon, ang landi." Sabi ni Ate Ells habang ngumunguya ng fries.

"I miss you, too, kahit nagmumukha tayong bata dito sa ginagawa mo." Sabi ko habang natatawa pa rin.

"Ayon, mas malandi." Binato ko naman si Jia ng fries kaya napatawa si Bea.

"Oh. Ayan, inspired na si Ineng na magworkwork ulit."

"Alam mo ba, Bea, ang tamlay niyang si Jho kanina. Namimiss ka yata dito sa office niya." Ibuking talaga ako, Jia?

"Jho, ha." Sabi ni Bea na ngiting ngiti.

"Nagpapaniwala ka naman 'jan. Shipper lang 'yan ng Jhobea kaya pilit na gumagawa ng ganap." Basag trip ko sa'kanila.

"Grabe ka sa aming shippers, Jho. Lagi mo kaming sinasaktan." Pagrereklamo ni Jia na akala mo naman ay seryoso ang pinaguusapan namin.

"Tara, mall. Sobrang stressed na ako dito sa office." Biglang sabi ni Ate Ells.

"Wow naman. Wala tayong deadline ah." Sabi ko naman. "Tsaka 10 p.m. na! May bukas pa bang mall?" Dagdag ko pa.

"Hanggang 12 a.m. kaya 'yung iba. Kailangan din naman natin magunwind minsan, no. Kailangan rin magpahinga ng mga brain cells natin. Baka kaya hindi ko mabalance yung isang FS eh dahil sa pagod ko. Sige na, kain tas shopping lang tayo konti."

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now