The Reunion

7.3K 131 4
                                    

Jhoana

"Isa, Jhoana"

"Dalawa, Ate Ells"

Nasa gitna kami ng debate ngayon ni Ate Ells dahil pinipilit niya akong pumunta sa reunion ng Lady Eagles VB Team. Ayokong pumunta kasi.. una, ang dami ko pang trabaho at pangalawa, oh wag kayong assuming hindi dahil kay Bea. Ang pangalawang reason ay... aba ewan ko na rin basta may pangalawa pa akong rason.

"Sige na kasi bes. Ang arte mo." Sabat naman ni Jia.

"Aba. Kayo ba gagawa ng trabaho ko?"

"Hindi." Sabay nilang sagot.

"Oh, hindi naman pala. Kaya nga hindi ako pwedeng sumama kasi malapit na deadline ko."

"Hindi pa ba kayo pupunta sa reunion?" Singit naman ne'tong De Leon na ewan ko ba kung saan galing. Simula kasi nang nagtrabaho 'yan dito kabikabila ang nagyaya sa'kanya ng date. Madalas ay tinatawag siya ng mga katrabaho namin sa pantry para makipagmerienda. Di'ba? One week pa lang siya dito bes pero dami ng kaclose. Akala mo noong una shy type siya tapos ngayon hay nako star ng office namin.

"Pupunta na rin. Sabay kami sa'yo Bea ha. Tara na, Jho!" Sabi ni Ate Ells sabay hila sa'kin.

"Tandang Ells, sino ngang gagawa ng report ko kung pupunta akong reunion?" Nanghihina kong sagot kasi kanina pa talaga ako nag-eexplain sakanila.

"Si Bea!" Sabi naman ne'tong Jia

"A-ako?" Gulat na sabi ni Bea kaya naman nilakihan lang siya ng mata ng dalawa kong kaibigan.

"Ah! Oo. Ako nga."

"Yes! Oh! Ayan ha! Tutulungan ka raw ni Bea." Sabi naman ni Ate Ells na nakangiting tagumpay.

"Oo na! Tara na nga." May magagawa pa ba ako, world? Meron pa ba?

"Oh! Tara na sa sasakyan ni Bea!" Sabi ni Jia sabay cling sa arms ni Bea. Itong kaibigan kong 'to nakakarami na ng chansing sa Bea ko ha. Mabibigwasan ko na talaga 'to.

..

"Jho! Sa front seat ka na ha." Sabi ni Ate Ells sabay kindat sa'kin. Hindi ko alam kung pang-asar lang talaga sa'kin o sinusuportahan nila ako. Hindi ko po talaga alam.

Bubuksan ko na sana 'yung door ng front seat nang hawakan din ni Bea ito para pagbuksan ako. So ang nangyari mga bes, hawak niya 'yung kamay ko. Nagkatinginan naman kami ni Bea at nagstay sa ganoong posisyon for 20 seconds.

"Mahirap bang buksan 'yung pinto at kailangang dalawang kamay ang magbukas?" Sabi ni Ate Ells

"Kailangan niyo ba ng help, guys?" Sigaw naman netong Jia

Confirmed. Walang silbi 'tong mga kaibigan ko.

"Ah, sorry." Sabi ni Bea at binuksan 'yung pinto ng front seat.

"Te-thanks." Sabi ko bago pumasok sa sasakyan.

Paano ba umalis sa situation na'to? Paano po?

Nang makarating kami sa bahay nina Ate Den at Ate Ly, kung saan ang reunion, ay sinalubong kami agad ni Ate Amy.

"Hey guys! You're so late! They're so drunk na." Sabi niya habang nakahawak ng ewan ko ba kung anong alak 'yon.

"Kiwi!!!!" Bati ni Bea at ginawa nila ang kanilang signature moves tuwing nakakapagblock ang isa sa kanila.

"OMG! You're here pala, Bei! I thought you're not coming?"

"Pinilit lang ako ni Jia." Sabi naman niya. Aba! Jia! Nakakarami ka na talaga ha.

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now