From Sunrise to Sunset

6.5K 130 9
                                    

Beatriz

Jho and I woke up early to watch the sunrise. It has been our morning ritual for a week now. Napakaganda kasi nitong pagmasdan from our view dito sa room.

"Bukod sa'yo, Babe, napakaganda talaga ng sunrise." I chuckled dahil sa banat ni Jho.

"Ang hilig mo na bumanat ngayon, ha." I said and pinched her nose.

Today, we've decided to meet our friends. Kailangan din kasi namin silang iupdate sa mga nangyayari sa'min. Since we went here kasi sa Tagaytay, kahapon lang namin sinagot ang calls and texts nila.

We've decided na sa condo ni Maddie magkita with Ate Ells, Jia and Deanna dahil iniiwasan namin na malaman ni Ms. Lovel kung asaan kami. Alam kasi ni Ms. Lovel ang unit nina Ate Ells at Jia. And if nagtataka na siya kung asaan si Jhoana, panigurado mambubulabog iyon sa mga unit nila.

Hindi naman sa tinataguan or natatakot kapag makikita namin si Ms. Lovel, iniiwasan lang namin na mas maging kumplikado ang mga bagay.

"Nagtanan lang ba kayo? Para kayong may ninakaw sa mga suot niyo." Ate Ella said when she opened the door for us. Naka-all black kasi kami ni Jho, covered ang faces and naka-cap. OA din kasi itong mahal ko, sabi niya baka may makakilala sa amin o kaya baka sinusundan kami ng mga tauhan ng mama niya.

"Ate Ells!" Hindi naman pinansin ni Jho ang pangaasar ni Ate Ells at niyakap niya ito habang tumatalon.

Pumasok naman ako ng tuluyan sa unit ni Mads while the two were catching up sa may pinto. Mukhang namiss ang isa't isa na tipong hindi na makakapaghintay ang mga pagchichismisan nila.

"Uy! Akala ko ba magmemeet lang? Ba't nakapang-costume party ka, Ate Bei?"

"Uy! Akala ko ba si Maddie lang andito? Bakit parang dito ka na rin nakatira?" Balik ko sa pang-aasar ni Ponggay na nakahiga sa may sofa.

"Jowa ako eh."

"Legal na ba?" Pang-aasar ko.

"Oo no. Pati sa mga fami--" Hindi naituloy ni Ponggay ang sasabihin niya dahil narinig namin ang sigaw ni Deanna kahit nasa may pinto pa lang siya.

"Paps! Paps! Paaaaaaaps!!" Tumakbo ito papalapit sa'kin at niyakap ako.

"Masyado mo naman akong namiss, Deanns." I chuckled.

"Akala ko kung ano na nangyare sa'yo, Paps. Jusko, hindi ko kaya kapag nawala ka." Sabi niya. Nagkunwari pa siyang may pinupunasang luha sa mukha niya.

"Buong buo ka pa naman, ok ka pa rin naman di'ba?"

Tsk. Itong batang 'to, talaga.

"Ang sweet naman. Ako ba, walang hug, Wong?"

"Tigilan mo ako, Gaston, ha."

Niyakap naman ulit ako ni Deanna. "Ang landi landi kaya di nakakamove on 'yung tao eh." Bulong ni Deanna sa'kin. Natawa naman ako at tinap na lang ang likod niya.

"Beatriz!!!!!!" Seryoso, gaano ba kami katagal na nawala ni Jhoana at lahat ng tao ngayon akala mo nag-abroad kami kung makasigaw eh.

"Madelaine!!" Yayakapin ko na sana siya pero pinagpapalo niya ako.

"Aray ko naman, Mads!" Hindi pa siya nakuntento at piningot pa ang tenga ko.

"Sobra mo akong pinag-alala, damulag ka. Napano 'yung sasakyan mo, ha? Akala ko naaksidente ka noong nakita ko 'yung galos sa likod!" Si Mads kasi ang pinakuha ko sa kotse ko dahil 'yung kay Jho ang napagdesisyunan naming gamitin na lang.

"Binangga ni Jho." Nagulat naman silang tatlo at napatingin kay Jhoana na nasa terrace ng unit ni Mads. Aba nasa terrace na sila ni Ate Ells, ha.

Nagpatuloy naman kami sa kwentuhan. Halata mong masyado akong namiss ng mga ito. Pati kung nakascore na ako kay Jhoana, tinatanong eh.

Selfish Love (JhoBea)Where stories live. Discover now